What's Hot

Julie Anne San Jose at SB19 Stell, excited sa kanilang 'JulieXStell: Ang Ating Tinig' concert

By Kristine Kang
Published June 13, 2024 1:49 PM PHT
Updated June 16, 2024 10:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of rare sun temple discovered in Egypt - ministry
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose at SB19 Stell


Matutupad na ang hiling ng fans nina Julie Anne San Jose at Stell!

Magsasama sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at SB19 main vocalist Stell sa kanilang upcoming concert na "JulieXStell: Ang Ating Tinig."

Wish come true ito para sa fans dahil maraming nag-request sa kanilang collaboration simula nang nakita nila ang friendship at talento ng dalawang coaches sa reality competition na The Voice Generations.

Sa isang panayam kasama si Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi nina Stell at Julie Anne ang kanilang excitement para sa concert.

"So after nga noong The Voice Generations, parang sabi nila, 'Sana magkaroon ng concert,' Ganito, ganyan, and finally now, it's happening and we're so very, very excited," sabi ni Julie Anne.

Dagdag ni Stell, "Sobrang exciting for me, kasi ako to be honest sanay lang ako mga concerts with SB19 talaga. Pero 'yung ganitong kalaking klaseng engagement with other artist na napakakilalang kilala rin and sobrang sikat."

Ipinaliwanag din ng dalawang singers ang kuwento sa likod ng kanilang concert title na "Ang Ating Tinig." Ipapakita raw kasi nila ang mga kaabang-abang nilang kantahan, lalo na't parehas silang kilala bilang power vocal singers.

"That's why 'Ang Ating Tinig' kasi ipapakita namin ni Stell 'yung iba't ibang klaseng range na makikita n'yo sa concert. So first, 'yung range ng mga boses namin, 'yung range namin together, and 'yung range ng OPMs," paliwanag ni Julie Anne.

Hands-on sina Julie Anne at Stell sa kanilang upcoming concert, hindi lang sa concept ng show, pero pati na rin sa mga aawitin nilang mga kanta.

Kuwento ni Stell tungkol sa kanilang preperations, "Gusto namin 'yung mapapakita talaga namin is something na alam namin na strength namin. But wala naman din masamang mag-try kami ng something new."

Maliban sa kanilang outstanding biritan at kantahan, tiyak raw magugustuhan ng fans ang kanilang kulitan at banters on stage.

"I also think na mag-e-enjoy mga tao kasi ito 'yung side namin na siguro hindi pa nakikita ng ibang tao," pahayag ni Julie Anne.

Gaganapin ang "JulieXStell: Ang Ating Tinig" sa darating na July 27 at 28 sa New Frontier Theater. Ito ay collaboration din ng GMA Synergy, GMA Entertainment Group, at 1Z Entertainment. Dapat din abangan ang concert dahil ito'y idinerehe ng kilalang director na si Paolo Valenciano.

Mabibili na ang tickets sa June 15 ,12:00 p.m. sa Ticketnet outlets nationwide o kaya sa kanilang website na tickenet.com.ph.