GMA Logo Lola Lolita
What's Hot

Lola, nasungkit ang top 5 sa isang college entrance exam

By Kristian Eric Javier
Published June 13, 2024 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Lola Lolita


Pinatunayan ng isang lola na age is just a number nang pumasok ulit ito at nag-top 5 pa sa isang college entrance exam.

Ang kasabihang "age does not matter" sa buhay pag-ibig, pwede rin sa pag-aaral!

Tulad na lang ng isang 67 anyos na lola na bukod sa nagtapos ng high school, top 5 pa sa entrance exam sa kursong journalism.

Sa 24 Oras nitong Miyerkules, June 12, ay nakilala si Lola Lolita Escal at sa interview niya kay Raffy Tima, ikinuwento niya na naging inspirasyon niya ang anak na namayapa tatlong taon na ang nakakaraan para tapusin ang high school at magtuloy sa kolehiyo.

Naging kaeskwela pa ni Lola Lolita ang mga apo niya at ayon sa kaniya, “Minsan, kung hindi ko alam, nagpapaturo ako sa kanila, minsan nagtatanong sila sa 'kin, lalo na 'pag halimbawa pagdating sa research.”

Nang makatapos ng high school ay kumuha siya ng entrance exam sa University of Rizal System para sa kursong journalism. Ayon sa campus director nilang si Norma Elvira, top 5 si Lola Lolita sa lahat ng mga nag-entrance exam.

“It's not too late, kaya inspiration siya sa aming mga graduating students,” sabi niya.

Sabi naman ni Lola Lolita, “Sa mga subject, 'yung mga kaklase, 'yung maging takbo ng aral, na-excite po ako du'n.”

Ayon kay Lola Lolita, napilitan siyang tumigil mag-aral noon nang pagtangkaan siya ng kaniyang amo noong nagtatrabaho at nag-aaral pa siya sa probinsya. Sabi pa niya, hindi niya naisip na makaka-recover pa siya sa nangyaring iyon.

Simula noon ay nagtrabaho na lang siya hanggang sa nakapag-asawa at nagkaanak. Ngunit kalaunan ay iniwan umano ng asawa kaya mag-isang tinaguyod ang kaniyang anak.

Inspirasyon man sa marami, mayroon ding ilan na hindi suportado ang pag-aaral ni Lola Lolita.

Pag-alala niya sa mga sinasabi nila, “Oy, may edad ka na, saan mo pa gagamitin 'yan? Wala ka na talagang ano diyan, ganu'n ka na lang.”

Ngunit para sa kaniya, habang buhay pa ang tao ay may hinaharap pa itong pupuntahan kaya't patuloy siya umanong mag-aaral.

Aniya, “Ang pag-aaral, karunungan, kaalaman, nasa 'yo pa rin 'yun e, hindi nawawala 'yun e. Maganda 'yung meron kang sariling achievement.”

At para masuportahan din ang sarili at mga apo sa kanilang eskwela, nagtitinda si Lola Lolita ng asin sa palengke habang magsisimula ng kaniyang unang taon sa kolehiyo.

Panoorin ang buong interview ni Lola Lolita dito: