What's Hot

Julie Anne San Jose at Stell, hands-on sa paghahanda ng mga kanta sa kanilang concert

By Kristian Eric Javier
Published June 18, 2024 11:22 AM PHT
Updated June 18, 2024 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Stell


Magsasama sa iisang concert stage sina Julie Anne San Jose at SB19's Stell sa kanilang “JulieXStell: Ang Ating Tinig” concert.

Malapit na mapapanood ng fans ang bigating performances nina Asia's Limitless star Julie Anne San Jose at SB19's main vocalist na si Stell. Mahigit isang buwan na lang at gaganapin na ang kanilang first awaited concert na "JulieXStell: Ang Ating Tinig."

Sagot na ng power duo ang playlist, lalo na't sila mismo ang pumili ng mga awitin para sa kanilang fans.

Sa kanilang panayam kasama si Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi nina Stell at Julie Anne ang kanilang excitement para sa concert.

"Gusto namin maibigay talaga 'yung best performance namin together kasi nga this is our first time," pahayag ni Stell.

Dagdag ni Julie Anne, "We want to make sure that everybody can relate to our songs or 'yung pinaka-repertoire namin. Hindi lang siya mga kanta namin but 'yung mga song(s) na nasasabayan natin lahat."

Kaabang-abang ang kanilang concert dahil idinerehe ito ng kilalang direktor na si Paolo Valenciano.

Pictorial pa lang ng power duo ay pansin na raw ng direktor ang masayang chemistry ng dalawa.

"You're really going to see parang two of the country's best performers coming together and I feel na that's something that fans are really going to enjoy," sabi ni direk Paolo.

Gaganapin ang "JulieXStell: Ang Ating Tinig" sa darating na July 27 at 28 sa New Frontier Theater. Ito ay collaboration ng GMA Synergy, GMA Entertainment group, at 1Z Entertainment.

link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/113365/julie-anne-san-jose-at-sb19-stell-excited-sa-kanilang-juliexstell-ang-ating-tinig-concert/story

Mabibili na ang tickets sa sa Ticketnet outlets nationwide o kaya sa kanilang online website na tickenet.com.ph.

Maliban sa concert, babalik ulit ang dalawang stars bilang power coaches sa upcoming reality talent competition show na The Voice Kids Philippines.

Parehong excited ang duo sa pag-upo muli sa kanilang iconic red chairs at makita ang talento ng young contestants sa programa.

"Sobrang excited ako and sobrang excited kami makita kung ano 'yung mai-o-offer nila at kung ano 'yung mga talento at makaya nilang gawin at showcase nga sa The Voice Kids stage," sabi ni Julie Anne.

"Excited kami marinig 'yung mga boses sa likod ng red chair kaya naman magkita tayo soon," dagdag ni Stell.