GMA Logo marian rivera
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

TINGNAN: Marian Rivera, na-deglamorize para sa 'Balota'

By Dianne Mariano
Published June 18, 2024 2:00 PM PHT
Updated June 18, 2024 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Bibigyang-buhay ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang role bilang si Emmy sa 2024 Cinemalaya film na 'Balota.'

Mapapanood si Marian Rivera sa upcoming 2024 Cinemalaya film na Balota, na co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Ibinahagi ng GMA Network sa social media ang deglamorized look ng karakter ng Kapuso Primetime Queen na si Emmy. Base sa caption, excited na si Marian para sa kanyang bagong pagbibidahang pelikula kaya todo-bigay siya sa taping nito.

"FIRST LOOK: A deglamorized Marian Rivera for the 'Balota' movie.

"Kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa 2024 Cinemalaya entry na #Balota. Sobrang excited na ang Kapuso Primetime Queen para sa proyektong ito kaya naman talagang all-out siya sa shoot ng naturang pelikula!" sulat sa caption.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Marian na kakaiba ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng Balota.

Kwento niya, “Parang dito ko yata na-experience ang lahat ng hindi ko pa na-e-experience sa buong buhay ko in showbiz. Kaya abangan nila 'yan sa first week of August. Very excited talaga ako na maka-attend sa Cinemalaya.”

Nabanggit din niya sa isa pang panayam na marami siyang first time sa pelikulang ito.

Aniya, "Sobrang excited ako kasi dito ko nagawa ang lahat ng first time ko--no makeup, ayaw ni Direk na naka-makeup. Dito yung mga linyahan na di ko nagagawa sa mga soap opera at saka sa pelikula. Pangatlo, ito yung rurok ko yata na yung fight scene ay hindi ako nagpa-double kaya ang dami-dami kong sugat. Okay lang, sabi ko nga, gagaling at gagaling din 'yan. Ang importante ay nabigay ko yung 100 percent ko sa pelikula."

RELATED GALLERY: THE CAST OF BALOTA MEET AT ITS STORY CONFERENCE

Bukod kay Marian, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.

Samantala, kasalukuyang bumibida si Marian bilang Katherine/Grace sa primetime series na My Guardian Alien, na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Mapapanood din ang programa sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.