
Malapit nang mapanood ang Widows' War, ang pinakaunang seryeng pagsasamahan ng Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Bukod kina Bea at Carla, parte rin ng serye ang mga batikang aktor na sina Tonton Gutierrez at Jean Garcia.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Tonton, sinabi ng aktor na masaya siyang nakatrabaho niya muli sina Bea at Jean.
Pahayag niya, “This is not the first time that I've worked with Jean Garcia. This is not the first time also that I've worked with Bea Alonzo. I really enjoy working with them.”
Kasunod nito, inilarawan ni Tonton ang acting skills ng dalawang aktres.
Sabi niya, “They are such wonderful and very talented actors. I love working with them.”
Pahabol pa niya, “They are professionals at saka napakagaan katrabaho."
Matatandaan na nagsimula ang taping para sa serye noong February 23, 2024.
Samantala, mapapanood si Bea sa upcoming series bilang si Sam, habang sina Tonton at Jean naman ay makikilala bilang magkapatid na sina Galvan at Aurora.
Abangan ang Widows' War, magsisimula nang mapanood sa darating na July 1 sa GMA Prime.