What's Hot

Ogie Diaz, naghain ng counter affidavit sa complaint ni Bea Alonzo

By Kristine Kang
Published June 19, 2024 10:57 AM PHT
Updated June 19, 2024 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz


Bilang tugon sa kasong isinampa ng aktres, nagtungo si Ogie Diaz sa Quezon City Prosecutors Office para magsampa ng counter-affidavit sa complaint libel ng aktres.

Matatandaang naghain ng tatlong separate criminal cases na cyber libel ang aktres na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist na sina Cristy Fermin, Ogie Diaz, at pati na sa kanilang mga co-hosts sa online show.

Sa kaniyang inihain na complaint affidavit noong Mayo, nakalagay na biktima raw si Bea sa mga mali, mapanira, at malisyosong impormasyon na ikinalat aniya ng online hosts.

Bilang tugon sa kasong isinampa ng aktres, nagtungo si Ogie Diaz sa Quezon City Prosecutors Office para magsampa ng counter-affidavit sa libel complaint ng aktres.

Sa isang panayam kasama si Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ng abogado ni Ogie na si Atty. Regie Tongol ang detalye ng kanilang panig.

Aniya, "Wala naman sinabi 'yung client namin na si Ogie Diaz at 'yung mga co-host niya... Ngunit kahit may sinabi ang co-hosts niya, ito'y nakapaloob pa rin sa fair comment doctrine na pinoprotektahan ng ating korte suprema."

Nagsampa rin ng counter charge na perjury ang co-host ni Ogie na si Loi Villarama laban kay Bea. Dahil daw sa complaint affidavit ng aktres. Pinalalabas na nagsabi raw si Loi ng mga paninirang salita kahit wala naman itong sinabi.

Ayon sa abogado ng tatlo, bukas naman ang kanilang panig sakaling magkaroon ng pag-uusap o mediation.

Samantala, wala pa rin pahayag o reaksyon galing sa panig ni Bea tungkol sa inihain na counter affidavit nina Ogie at ng kaniyang mga kasama.

RELATED CONTENT: High-profile libel complaints in Philippine showbiz