
Muling nagbabala ang It's Showtime host na si Amy Perez nang makita ang isang product advertisement ng isang Facebook page, kung saan tampok siya at ang content creator na si Dr. Alvin Francisco.
Mariin itinanggi ni Amy na ineendorso niya ang nabanggit na skincare product.
Paalala ng seasoned host sa kaniyang followers, “I DON'T USE OR ENDORSE THIS PRODUCT! NINAKAW ANG VIDEO KO AT GINAGAMIT NILA. MAG INGAT PO TAYO! And HELLO di pa ako 60 years old 105 years old na me!”
Samantala, may official statement din si Dr. Alvin na inilabas sa kaniyang Instagram page, kung saan inilahad niya na hina-handle ng kaniyang legal team ang mga naglipana na product advertisement sa internet na ginagamit ang pangalan niya na walang pahintulot.
Binigyan-diin niya na wala siyang binibenta na mga gluta gummies, collagenax, apple cider, nature glow at iba pa.
Payo niya sa mga netizen, “Lahat po yan ay scam at ginagamit ang mukha ko. Maging maingat po tayo.”
Noong Abril, pinayuhan na ni Amy Perez ang kaniyang fans na huwag tangkilikin ang isang menopause drug na ginamit rin ang kaniyang mukha para i-promote ang naturang produkto.
Post noon ng Kapamilya host, “ MAG INGAT PO TAYO. I DON'T USE THAT PRODUCT AND NEVER AKO NAG REVIEW NYAN! GINAMIT ANG INTERVIEW NAMIN NI DOC AT GUMAMIT SILA NG AI PARA PALABASIN NA BOSES KO AT SINABI KO ANG BRAND NA ITO. I DID NOT AUTHORIZE THE USE OF MY PICTURE HERE.”
Samantala, narito ang iba pang celebrities na nabiktima ng fake ads: