
Napanood at napakinggan na ang bagong station ID ng GMA Network na pinamagatang 'Isa Sa Puso ng Pilipino.'
Inawit ito ng mahuhusay na Kapuso singers sa pangunguna ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita Daniela, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Zephanie, Mariane Osabel, John Rex, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, at XOXO members na sina Muriel Lomadilla, Lyra Micolob, Dani Ozaraga, at Mel Caluag.
Binigyang buhay din ito ng Orchestra of the Filipino Youth (OFY) mula sa organisasyon na Ang Misyon, Inc., na pinamumunuan ng Filipino orchestra conductor at composer na si Gerard Salonga, at Executive Director nito na si Mickey Muñoz.
Sa panayam kasama ang GMANetwork.com, sinabi ng OFY Musical Director na si Gerard na isang magandang piyesa ang awiting 'Isa Sa Puso ng Pilipino.'
Aniya, “It's a beautiful song, well performed. I mean, Julie Anne San Jose is great. I'm sure people will love it sigurado 'yun and GMA naman have a history of doing good station IDs they know how to do it.”
Ayon naman sa OFY Executive Director na si Mickey, umaasa siya na simula pa lamang ito ng mas marami pang collaboration ng OFY at ng GMA.
Aniya, “I hope that this is just the start. Natutuwa ako that GMA is going to help spread the word about OFY para mas marami kaming matulungan na music scholars. I'm just very happy about this partnership.”
Ang Orchestra of the Filipino Youth ay nagbibigay ng libreng music lessons sa mga kabataang gustong mahasa ang kanilang talento sa pagtugtog ng instrumento ngunit walang kakayahan upang makapag-aral.
“The OFY is an orchestra made up of young people but there is something different about them. Most of them are from less privileged backgrounds and what we provide for them is music education for free. These are kids who cannot pay for their own violin lessons or trombone lessons so we provide that for them and aside from learning the instrument, they learn how to play in an orchestra.
“There are traits that good orchestra have and these are the things that we want to impart to the children and these are unanimity, discipline, hardwork, dedication, mga kailangan para maging isang mahusay na musiko,” pagbabahagi ng OFY musical director na si Gerard.
Bukod sa free music lessons, ang kanilang music scholars ay nagkakaroon din ng pagkakataon na makatugtog hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba bansa.
Sa katunayan, nakapag-perform na ang OFY sa Malaysia, Amerika, at Qatar, kung saan sila ang pinakaunang Filipino symphony orchestra na nakatugtog sa Katara Opera House.
Nito lamang Pebrero 2024, ang OFY ang naghandog ng live music para sa rerun ng highly acclaimed rock opera ballet na 'Rama, Hari.'
Para sa mga kabataang nais na maging bahagi ng Orchestra of the Filipino Youth, bisitahin lamang ang kanilang website na angmisyon.org o mag-email sa info@angmisyon.org.
Samantala, panoorin ang full version ng GMA Station ID 2024 na 'Isa Sa Puso ng Pilipino' DITO: