
Puno ng pasasalamat si Kuya Kim Atienza dahil sa mga proyekto niya sa GMA Network.
Si Kuya Kim ay naging Kapuso taong 2021. Ngayon ay napapanood si Kuya Kim sa TiktoClock, 24 Oras, at Dapat Alam Mo!
Ikinuwento ni Kuya Kim sa YouTube channel ni Ogie Diaz kung bakit siya nagpapasalamat bilang isang Kapuso star.
Saad ni Kuya Kim, "I'm so happy na nilagay ako ni Lord sa GMA 7 kasi nama-maximize ang talent ko dito. I'm really so thankful sa management ng GMA at nabigyan ako ng pagkakataon na hindi naibigay sa akin sa mahabang panahon."
PHOTO SOURCE: YouTube: Ogie Diaz
Inilahad ni Kuya Kim na sa edad daw niyang 57 ay dapat pababa na ang kaniyang career pero iba ang nangyari nang siya ay naging Kapuso.
"At 57 kasi Ogie, dapat ang career mo niyan dapat pababa na. Pa-relax ka na. Hindi e, para kong na-turbo boost. Paglipat ko ng GMA, ito na naman. Wow, okay."
Ayon pa kay Kuya Kim, inspired siyang magtrabaho sa kaniyang mga programa.
"'Yan ang joy natin e. More than the income, the income is good of course. But more than the income dapat happy tayo sa ginagawa natin. And then the money will come. Kasi kapag hindi ka inspired, kahit ano'ng galing mo, hindi ka masaya."
Saad din ni Kuya Kim na kahit abala siya sa tatlong shows ay masaya siya dahil nama-manage niya ang kaniyang oras.
"Ang maganda sa trabaho ko ngayon, bagamat tatlong show ang ibinigay sa akin ng GMA, predictable ang schedule kasi live. Mahirap kasi 'yung serye. Isang serye lang, hindi mo alam ano'ng oras ka matatapos. 'Pag ganito na live ang show mo, kahit tatlo pa 'yan, predictable. Naaayos mo, may control ka sa schedule mo. That's why I'm really so thankful sa GMA na ibinigay sa akin 'yun."
SAMANTALA, BALIKAN ANG PROUDEST ACHIEVEMENT NG GMA ARTISTS BILANG KAPUSO: