
Pumanaw na ang komedyante na si Dinky Doo, Jr. na kinumpirma ng kanyang anak sa Facebook account mismo ng aktor.
Post niya sa Facebook, “Family, Friends, Brethrens... This is his daughter speaking po. I'm here to inform po na wala na po si daddy. 7:20 AM of July 2, 2024, he was pronounced dead. Please, all your prayers to my father and family for him to rest peacefully would be very appreciated."
Pagtatapos niya sa post, “Like daddy would say, Salamat po sa Dios sa lahat po ng nangyayari.”
Hindi na binanggit ng anak ni Dinky kung ano ang sanhi ng pagpanaw ng komedyante.
BALIKAN ANG SADDEST AT MOST SHOCKING DEATHS SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:
Bukod diyan ay nag-post din sa kanyang sariling account ang kapatid ni Dinky na si Artstrong Clarion para ipaalam ang pagpanaw ng komedyante.
“Fly High Kuya Dinky Doo Jr May your Soul Spirit have a safe Ascension..Kamusta mo kami kay Mami and Erpat at kay utol Al at Mel,” post niya, kalakip ang picture ni Dinky Doo.
“You lived a full life and we are so proud of you…Rest in Paradise. Mahal ka naming lahat,” pagtatapos niya sa kanyang post.
Ilang netizens at fans naman ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa dalawang posts.
Isa sa mga huling proyekto na ginawa ni Dinky Doo ay isang episode ng police procedural comedy drama series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Kamakailan lang ay pumanaw na rin ang batikang aktor at direktor na si Manny Castañeda na kinumpirma naman ng kaniyang bestfriend at kapwa director na si Jose Javier Reyes.