GMA Logo Julie Anne San Jose
What's Hot

Julie Anne San Jose on singing the 2024 GMA Station ID: 'Nakakataba ng puso'

By Jimboy Napoles
Published July 4, 2024 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose


Pinangunahan ni Julie Anne San Jose pag-awit ng bagong GMA Station ID na 'Isa Sa Puso Ng Pilipino.'

“Nakakataba ng puso.”

Ito ang naging pahayag ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose nang tanungin siya ng GMANetwork.com tungkol sa kaniyang pagiging main singer ng bagong GMA Station ID na Isa Sa Puso Ng Pilipino.

Ayon kay Julie, grateful siya sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng GMA Network upang awitin ang bagong Kapuso theme song.

Aniya, “Nakakataba ng puso. Nagpapasalamat ako siyempre sa GMA for trusting me [bilang] isa sa mga kakanta ng theme song ng GMA ng bagong station ID.”

Dagdag pa ng singer-actress, “Parang naging routine na kasi na sa ating lahat parang nairirinig natin parati 'yung theme song ng GMA and parang ang hirap pakawalan ng luma kasi 'yun na 'yung nakasanayan natin but then again nasa new age na tayo ngayon so GMA decided na magkaroon ng bagong theme song.”

Paglalahad pa ni Julie, masaya siya na pagkatiwalaan ng GMA na itinuturing niya na na pangalawang tahanan.

“Parang surreal experience pa rin ang lahat ng ito e. Basta ako nagapapasalamat ako of course sa GMA and masarap sa pakiramdam kasi ito 'yung pinaka-second home na namin, second home ko,” ani Julie.

Kasama ni Julie na umawit ng bagong station ID ang iba pang Kapuso singers na sina Rita Daniela, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Zephanie, Mariane Osabel, John Rex, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, at XOXO members na sina Muriel Lomadilla, Lyra Micolob, Dani Ozaraga, at Mel Caluag.

Samantala, naghahanda naman ngayon si Julie sa Sparkle World Tour 2024 kasama ang kaniyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Magsisimula ang nasabing world tour sa USA sa August 9 at 10, kung saan makakasama nila ang iba pang Sparkle stars na sina Alden Richards, Ai Ai Delas Alas, Isko Moreno, at Boobay.

Magpapasaya rin sila ng Pinoy fans sa Japan sa September 1, kasama sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Jillian Ward, Ken Chan, Betong Sumaya, at special guest na si Divine Daldal.

Pero bago ito, sasalang muna si Julie sa concert stage kasama ang SB19 member na si Stell sa kanilang first-concert together na 'JulieXStell: Ang Ating Tinig' sa July 27 at 28 sa New Frontier Theater.

Magbabalik din sina Julie at Stell bilang coaches ng bagong The Voice Kids sa GMA.

RELATED GALLERY: Behind-the-scenes of the GMA Station ID 2024: Isa Sa Puso ng Pilipino