GMA Logo lj moreno
What's Hot

LJ Moreno, handang bumalik sa showbiz, pero may kondisyon

By Kristian Eric Javier
Published July 4, 2024 1:24 PM PHT
Updated July 4, 2024 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express Weekend: May 2, 2026 [HD]
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

lj moreno


LJ Moreno, sa pagbabalik-showbiz: "If there's projects na good."

Matapos ang ilang taong paninirahan sa Amerika, bumalik kamakailan ang aktres na si LJ Moreno sa Pilipinas.

Dahil mas madali na mag-travel ngayon papasok at palabas ng bansa, open pa kaya siya gumawa ng acting projects?

Sa online entertainment show na Marites University, inamin ni LJ na nami-miss na niya ang acting at willing siyang bumalik dito. Ngunit may ilan siyang kondisyon para gawin ito.

“If there's projects na good and would work with--kasi my kids are also athletes, so siyempre, kailangan ko rin i-consider 'yung schedule nila. Pero 'yun, right project, right time, I'm really open to it,” sabi niya.

Nabanggit din ni LJ bukas ang asawa niyang si Jimmy Alapag sa posibilidad na bumalik siya sa Pilipinas para magtrabahong muli bilang artista.

“Siguro hindi lang 'yung sobrang tagal na [project], pero parang nakita daw niya na nagbu-bloom daw ako,” sabi niya.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA INIWAN ANG BUHAY SHOWBIZ PARA MANIRAHAN ABROAD SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ikinuwento rin ni LJ na isa sa mga nami-miss niya sa bansa ay ang pagkakaroon ng mga yaya at “ang sarap ng feeling” nang mag-guest siya sa ilang shows sa iba't ibang networks kamakailan.

Dagdag pa ng aktres, paraan din niya ito para magkaroon ng oras para sa sarili, lalo na at may mga yaya ang kanilang mga anak habang nasa Pilipinas.

“At least, 'yung dalawang yaya namin works with the family pa rin, so I was able to get them. Kumbaga, ang ganda ng feeling din na kampante ako na trusted 'yung mga nagbabantay din sa kids,” sabi niya.

Kuwento niya ay isa sa mga yaya nila ay dati niyang personal assistant na naging yaya ng kanilang bunso na si Calen, samantalang ang isa ay yaya pa ng kaniyang kapatid noon kaya't tiwala siya sa mga ito.

“And sila rin talaga 'yung bit-bit ko dati every work na nagta-travel," pagtatapos niya.