
Power of manifestation.
Ganito inilarawan ng Running Man Philippines star na si Lexi Gonzales ang opportunity na ibinigay sa kanila na makasama ang OG Runners ng Running Man Korea sa Run2U in Manila fan meet, na idadaos bukas, July 6, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nakakamangha para kay Lexi na noong Running Man in Manila 2023: A Decade of Laughter fan meeting ay kabilang lang sila audience, at ngayon, may big opening number sila sa sa gaganaping event.
Lahad niya sa panayam ng 24 Oras, “Sobrang manifestation to. Nung season one audience pa lang kami ng Running Man Korea nung nag-concert sila dito sa Pinas. And then ngayon, part na kami ng show.”
Sinegundahan naman ito ng first Ultimate Runner na si Angel Guardian na dream come true ito para sa kanilang Pinoy Runners.
“Dream come true 'to for us na makita nga lang yung original cast ng Running Man. Pero 'yung makapag-perform pa kami and 'yung makita sila ng malapitan, ibang level yun.” pag-amin ng Sparkle actress.
Para naman kay Glaiza De Castro o kilala sa tawag na Boss G ng kapwa co-Runners niya na maituturing niya itong one of her “proudest moment.”
Sabi ng versatile actress, “Nakaka-proud 'di ba bilang mga Pilipino, ire-represent natin yung Philippines with Running Man Korea. So, ang saya sa pakiramdam.
Source: 24 Oras
Base sa report ng 24 Oras, ipakikita ng Pinoy Runners ang original Pinoy music at P-pop sa kanilang opening performance sa Run2U in Manila
“Para maipamalas din natin mismo dito sa atin na kasama rin ang OG Korean Runners na meron din tayong sariling pop, P-pop.” paliwanag ni Kokoy de Santos.
RELATED CONTENT: STAR-STUDDED GUESTS OF 'RUNNING MAN PH' SEASON 2