
Umaapaw na kilig ang hatid ng naging date proposal ni Marco Masa kay Ashley Sarmiento kamakailan.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Marco ang video ng surprise proposal niya kay Ashley para maging date nito sa nalalapit na GMA Gala 2024.
"Painting each other but actually asking her to be my GMA Gala date," caption ni Marco.
Sa video, makikita ang nahihiya at tawang-tawang reaction ni Ashley nang mabasa ang ipininta para sa kanya ni Marco: "Will you be my GALA date?"
Sinorpresa rin ni Ashley si Marco sa kanyang sagot, na isinulat nito sa taas ng canvas: "YES."
Maraming netizens naman ang kinilig sa surprise date proposal na ito ni Marco para kay Ashley.
"Nakakakilig nak," sabi ng aktres na si Melissa Mendez.
"Yieee," kilig na komento ng Sparkle actor na si Michael Sager.
"AWIEEEEE," dagdag pa ng Sparkle teen actress na si Charlie Fleming.
"Marco "tumatapang" Masa," sulat ng isang netizen.
Samantala, kabilang si Marco sa cast ng full action series na Black Rider, na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN SI MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: