
Nagbabalik bilang isa sa coaches ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA ang international performer at multi-talented artist na si Billy Crawford.
Unang task ni Billy sa kaniyang muling pag-upo bilang coach ay ang pumili ng young talents na bubuo sa kaniyang team na Team Bilib.
Matatandaan na sunod-sunod din ang trabaho ni Billy sa loob at labas ng bansa matapos siyang manalo sa international dance competition na Dancing with the Stars noong 2022.
Kuwento ni Billy sa 24 Oras, inspirasyon niya sa kaniyang trabaho ang kaniyang pamilya kasama ang asawang si Coleen Garcia at anak nila na si Amari.
Ngayon, handang-handa na si Billy na tulungang abutin ang pangarap ng mga batang singer na sasali sa The Voice Kids.
Muling napanood si Billy sa GMA nang maging host siya ng game show na The Wall Philippines noong 2022. Kasunod nito, ipinakilala si Billy bilang isa sa coaches ng The Voice Generations noong 2023.
Abangan ang The Voice Kids malapit na sa GMA
RELATED GALLERY: Billy Crawford and his impressive career milestones