
Mayroong bagong social media milestone ang Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.
Kamakailan lang kasi ay pumalo na sa one million ang kanyang followers sa TikTok.
Ibinahagi niya ang exciting news sa Instagram Stories, kung saan makikita ang profile ng kanyang account sa video-sharing app.
Mapapanood sa account ni Kazel ang ilang promotional videos para sa brands na kanyang ineendorso.
Mayroon ding videos kung saan bida ang kulitan moments nila ng kanyang co-stars sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Ilan sa mga ito ay ang bonding moments nila ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Si Kazel ay kasalukuyang napapanood sa award-winning medical drama series na umeere ngayon sa GMA Afternoon Prime.
Kilalang-kilala siya ng viewers bilang bully doctor na si Doc Zoey Tanyag.
Si Zoey ay anak ni Moira, ang role ni Pinky Amador na napapanood din ngayon bilang si Morgana Go.
Bukod dito, patuloy na nagpapanggap si Zoey na anak siya ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) kahit na si Doc Carlos Benitez (Allen Dizon) ang tunay niyang ama.
Patuloy na subaybayan si Kazel bilang si Doc Zoey sa Abot-Kamay Na Pangarap.
*Related gallery: