GMA Logo Leo Martinez
What's Hot

Leo Martinez, isinusulong ang 'Doon Po Sa Amin' advocacy program para sa content creation at filmmaking

By Jimboy Napoles
Published July 18, 2024 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Leo Martinez


“We want to democratize filmmaking para gamitin natin 'yan para isulong ang ating creative industry.” - Leo Martinez

May bagong isinusulong na advocacy program ang batikang actor-director na si Leo Martinez na tinatawag niyang “Doon Po Sa Amin.”

Layunin ng nasabing programa na tulungan ang mga Pilipino na mas maging mahusay sa content creation.

Kuwento ni Leo sa Fast Talk with Boy Abunda, nais ng programa na gawing mas positibo ang mga content na ipinapalabas sa social media.

Aniya, “Sobra na tayong toxic, ang social media natin. Inimbento naman 'yan para tayo'y magkasama-sama, hindi 'yung magkakagalit. Anyway, 'pag ginawa nating positive 'yan through something na ang pag-usapan natin 'yung pinagmamalaki natin para hindi tayo 'yung ang diperensya ang pinag-uusapan.”

Ayon pa kay Leo, maraming maipagmamalaki ang Pilipinas na dapat sana ay maipakita sa mga content online.

“Ang dami nating ipagmamalaki. Sana 'yun 'yung mag-dominate sa social media,” ani Leo.

Dagdag pa niya, “We want to democratize filmmaking para gamitin natin 'yan para isulong ang ating creative industry.”

Ang “Doon Po Sa Amin” advocacy program ay nagsasagawa ng workshops gaya ng video creation lectures para sa mga interesadong filmmakers at content creators.

RELATED GALLERY: The many times Leo Martinez proved he's a cool lolo