GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, bibida sa bagong drama-action series na 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 18, 2024 7:00 PM PHT
Updated October 29, 2024 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Alamin ang mga makakasama ni Miguel Tanfelix sa 'Mga Batang Riles' dito.

Bibida ang aktor na si Miguel Tanfelix sa bagong drama-action series na Mga Batang Riles kasama sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Gagampanan nina Miguel, Kokoy, Raheel, at Antonio ang apat na kapos-palad na sina Kidlat, Kulot, Bato, at Dags. Mapupunta sila sa juvenile center matapos mapagbintangan sa isang krimen na hindi naman nila ginawa.

Sa loob ng juvenile center, mapipilitan ang mga Batang Riles na ipagtanggol ang kanilang sarili habang hinahanap ang tunay na saralin.

Bukod sa kanilang apat, parte rin ng Mga Batang Riles sina Bruce Roeland, Desiree del Valle, Jay Manalo, Zephanie, Ms. Eva Darren, Diana Zubiri, at Ronnie Ricketts.

Abangan ang Mga Batang Riles, malapit na sa GMA Prime!