
Isang espesyal na reunion ng Kapuso Queens na sina Heart Evangelista at Marian Rivera ang naganap kagabi sa GMA Gala 2024.
Sa nasabing event, nagkaroon ng moment sina Heart at Marian upang magkumustahan.
Sa isang larawan, makikitang mahigpit ang hawak ng Global Fashion Icon at ng Primetime Queen sa isa't isa.
Bago dumating sa red carpet ng GMA Gala 2024, nag-post muna si Marian ng isang Rewind short film sa Instagram kung saan nag-comment si Heart ng, “Wow.” Agad naman na nag-reply rito si Marian ng, “See you again soon.”
October 2023 nang i-follow muli nina Heart at Marian ang isa't isa sa Instagram tanda ng kanilang pagkakaayos.
Balikan ang iba pang GMA Gala 2024 outfits sa gallery na ito: