
Kamakailan lang ay sinorpresa ng K-Pop group na 2NE1 ang kanilang fans nang ianunsyo ng grupo ang pagbabalik nila. Ibinalita rin ng YG Entertainment founder na si Yang Hyun-suk ang ilang upcoming activities ng grupo kabilang na ang isang global tour.
Sa isang YouTube video, inanunsyo ng YG Entertainment na magsisimula ang tour sa South Korea sa October 2024, at masusundan ng shows sa Japan sa November at December.
Sa X (dating Twitter), ipinahayag ni Sandara Park o Dara ang kagustuhan niyang maisama ang Pilipinas sa kanilang tour.
Sagot niya sa isang netizen na nag-comment na sana kasama ang Pilipinas sa kanilang tour, “Marami pa bang PH Blackjacks?! that is one of my wish syempre”
Marami pa bang PH Blackjacks?! 🥹♠️♥️ that is one of my wish syempre🙏🏻
-- Sandara Park (@krungy21) July 22, 2024
Ilang netizens naman ang sumagot na madami pang Blackjacks (tawag sa fans ng grupo), at sinabing hindi naman sila nawala.
Komento ng isang netizen, “Dara, isang dekada na ang lumipas. May pera na kami. Kayo na lang inantay namin. ”
Sabi naman ng isa pa, “Ati madami pa kame at may mga trabaho na.. may pambili na ng tix (tickets)..hahahahah.”
Marami rin ang nagsabi na matagal na nilang hinihintay ang pagbabalik ng 2NE1 matapos silang mag-disband noong 2016.
Source: krungy21/Twitter
TINGNAN ANG CELEBRITIES NA CERTIFIED K-POP FANS SA GALLERY NA ITO:
Samantala, nagkomento rin si Dara sa Tweet ng isang fan kung saan sinabi nito na 'wag na sanang bumalik ang ex-friends ng K-Pop star na biglang hindi na siya umano kilala matapos magdisband ng grupo.
“Baka mamalimos ng tickets sayo @krungy21 parang awa i-WHO YOU mo sila. Alam kong mabait ka pero di nila deserve ng kahit anong favor from you,” sabi ng netizen.
Sagot naman ni Dara, “Exaclty.”
Exactly
-- Sandara Park (@krungy21) July 22, 2024
Ilang netizens din ang sumang-ayon hindi lang sa sagot ni Dara, kundi maging sa sinabi ng netizen. Sabi ng isang netizen, tama lang na putulin na ni Dara ang ugnayan nila ng mga ganu'ng tao at sinabing 'wag nang idugtong uli sa kaniya.
“You deserve the loyal ones you have today. Deserve mo ang ride or die friends mo now who have always been there for you without asking anything in return. Ok na maging mabait but don't let them abuse you,” sabi niya.
Sabi naman ng isa pang netizen, tama lang na dedmahin ng K-Pop star ang mga hihingi lang ng favors sa kaniya.
Aniya, “Stick to the people who helped you go through your healing journey after 2NE1 disband and who's there to keep pushing you be the person that you are today”
Source: krungy21/Twitter
Hindi naman ito ang unang “comeback” ng 2NE1 dahil nauna nang napanood ng fans nag muling pagsasama ng grupo sa Coachella noong 2022.