GMA Logo rabiya mateo
What's Hot

Rabiya Mateo, natuto na matapos ma-scam: 'Learn to say no'

By Nherz Almo
Published July 23, 2024 4:49 PM PHT
Updated July 24, 2024 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo


Rabiya Mateo sa narasanasang investment scam: “Malala po yung trauma ko.”

“Naku po, huwag na nating pag-usapan kasi magiging headline po ito ng bawat article.”

Ito ang natatawang pahayag ni Rabiya Mateo nang tanungin kung magkano ang nawala sa kanya matapos mabiktima ng isang investment scam.

Nakausap ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media si Rabiya sa inihandang press conference para sa kanya ng jewelry brand na LVNA kamakailan.

Bagamat ngayon ay nadaan na niya sa biro kapag pinag-uusapan ito, aminado ang beauty queen-turned actress na, “Masakit siya sa puso, iniyakan ko siya ng ilang gabi, but life must go on.”

Mas matindi pa raw ang sakit dahil kilala niya ang mga nanloko sa kanya,

“Malala po yung trauma ko because yung mga pinagkatiwalaan ko are friends. I know them personally. I talked to them. They know my struggle, you know, noong nag-uumpisa pa lang ako. Alam nila ang hirap ko sa ilang teleserye, ilang iyak yung perang inabot ko sa kanila,”paglalahad ni Rabiya.

Gayunman, aniya, nag-iwan ang karanasang ito ng isang malaking aral sa kanyang buhay.

“That's life. So, siguro it taught me to be more careful. Kapag too good to be true, medyo questionable yung opportunities, madali, learn to say no. It's okay and still be considered as a good and nice person and be able to say no.”

Tinanong si Rabiya kung naisip niyang magsampa ng reklamo sa mga nanloko sa kanya.

Ang sagot niya, “Ipinagpasa-Diyos ko na lang po kasi mga kaibigan ko sila. Pwede naman, actually, but may mga anak din sila. Maraming opportunities na mawawala sa kanila. So, ipapasa-Diyos ko na lang.”

Sa ngayon, isa lamang ang tiyak, tuluyan nang nasira ang relasyon niya sa mga dating kakilala.

“Damaged na talaga [ang friendship]. Siguro ilang beses ko rin siyang iniyakan. I've talked about this to my management, pinag-isipan kung ano ang best na pwedeng gawin kung dapat ba magsampa ako ng kaso,” sabi ni Rabiya.

Sa halip na isipin ito, mas nakatuon daw si Rabiya sa kung paano siya makaka-recover sa karanasang ito.

Aniya, “Overall, kahit malaki siya, naniniwala pa rin ako na God will replace all the heartaches na it gave me, e. So, nandun ako sa point ng life ko na ano pa kaya ang pwede kong gawin para mabawi yung money na yun.”

Look: The stunning looks of Rabiya Mateo

Samantala, sa ngayon ay excited na si Rabiya sa bagong role na kanyang gagampanan: ang maging CEO ng isang branch ng LVNA.

“I was grateful kasi parang na-mention ko lang kay Drake na parang I wanted to do business na. Kasi, I've been investing, e, and that's it, hintay lang sa matatanggap mo,” sabi ng Royal Blood actress.

Dagdag pa niya, isang magandang oportunidad ito para malaman kung ano pa ang mga puwede niyang gawin sa labas ng showbiz.

“I wanna be there, I wanna be on field and understand the business. Kasi, yung nga po, nag-o-observe ako, at yung nagpapayaman talaga sa tao is business. So, when you have business, mas maraming opportunity for you to extend help, to create job opportunities.

“I wanna be that kind of woman. I wanna have that kind of substance, hindi empty ornament lang, nag-Miss Universe, maganda lang. I wanna continue kung ano pa yung kaya kong maibigay, kung sino pa si Rabiya.”

Ayon kay Rabiya, marami pa siyang kailangang araling para mas maintindihan ang pagbi-business.

“Kailangan kong pag-aralan lahat and hindi naman siya nangyayari overnight. It's not even in a month you're gonna be knowledgeable enough and would say na, 'I can handle everything.' That's why we have the legal team, we have Drake [Ibay, owner of LVNA] and Dane [Ibay, president of LVNA] who still guide me up until this moment. Marami pa po akong binabasa about how this business works, so I really need to study rin. Hindi lang siya puro post lang sa social media and that's it,” sabi niya.

Bukod dito, nagsimula na rin si Rabiya sa kanyang real estate business. Pero nilinaw niya na patuloy pa rin siya sa kanyang goal na maging kilalang aktres sa showbiz.

"Alam naman po natin na bilang artista, may on season at may off season. So, kapag off season, ano ang gagawin mo? Ako, sanay talaga ako magtrabaho, sanay ako na everyday may ginagawa. It's also good to have other [outlet] where i can express my creative side," pagtatapos niya.

Samantala, tingnan ang Pinay celebrities na successful sa kanilang business: