GMA Logo jennylyn mercado
Source: bianca_anne_vergara17/IG
What's Hot

Jennylyn Mercado's glam team explains her absence in GMA Gala 2024

By Kristian Eric Javier
Published July 23, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado


Alamin kung bakit hindi nakadalo si Jennylyn Mercado sa GMA Gala 2024 dito:

Katatapos lang ng isa sa mga pinakamalalaking event ngayong 2024, ang GMA Gala, na ginanap noong Sabado, July 20, sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel. Ilan sa biggest at brightest stars ng Kapuso network ang dumalo at nakisaya bilang pasasalamat sa blessings na natanggap ng GMA Network.

Ilan sa mga inabangan ng mga manonood ng live streams ay ang pagramapa sa red carpet ng Kapuso couples tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, at marami pang iba.

Ngunit kapansin-pansin rin na solong nagpunta ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at wala ang asawa niyang si Jennylyn Mercado.

Sa Instagram post ng isa sa mga glam team ni Jennylyn na si Bianca Vergara, sinabi niyang papunta na sana ang Ultimate Star sa event ngunit kailangan mag-back out para alagaan ang panganay na anak na si Jazz.

“She was supposed to attend GMABall in-fact ready n kaming lahat , but sadly nagka emergency si Jazz [anak na panganay ni Jennylyn] nagkatrangkaso. So as a parents, mas naging priority lang nila ang mga anak nila kaya di naka attend ang Ultimate Star natin,” sulat niya sa caption.

Kalakip ng post ang ilang litrato ni Jennylyn suot ang kaniyang body-fottong lace gown na may mermaid bottom. Katunayan, may funny video pa ang aktres kung saan nagpo-pose siya para sa isang photoshoot suot ang gown.

Hiling niya ay sana intindihin na lang si Jennylyn at ang nangyari at sinabing babawi na lang sila next year.

Sabi pa ni Bianca sa post, “Eto dapat yun oh kasado na eh! baka pwede i rewind ang GMABall.”

A post shared by Bianca Anne Vergara (@bianca_anne_vergara17)

BALIKAN ANG RED CARPET LOOKS NG ILAN SA BIGGEST STARS NA DUMALO SA GMA GALA 2024 SA GALLERY NA ITO:

Maraming fans at kapwa aktor ang nag-iwan ng mga komento sa video post ni Jennylyn ipinahayag ang panghihinayang nila na hindi nakadalo ang aktres sa event. Ang ilan sa kanila, hiniling din na gumaling agad si Jazz.

Hindi ito ang unang pagkakataon na wala si Jennylyn sa isang malaking event ng GMA. Matatandaan na wala rin ang Ultimate Star sa pinakabagong station ID ng network na pinagmulan ng mga haka-haka tungkol sa paglipat niya ng network.

Sa isang panayam ay tinuldukan na ni Jennyln ang isyu at sinabi, “Happy pa rin ako na maging Kapuso.”

Nilinaw rin niyang wala siyang natatanggap na offer mula sa ibang networks.