
Bukod sa pagiging glamorous, napuno rin ng katatawan, good vibes, at unforgettable memories ang nakaraang GMA Gala 2024.
Maliban sa glam shots ng Kapuso stars, marami ring fans ang naaliw sa nakatatawang moments ng Kapuso celebrities.
Una rito, ang viral Instagram post ng Pepito Manaloto star na si Michael V. Kita sa shared photo niya ang bigating stars na sina Bea Alonzo, Vice Ganda, at ang GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, at President and CEO of GMA Pictures, na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Masasabing ordinaryo lang ang litrato sa unang tingin. Ngunit kapag zinoom-in ito, makikita ang comedy genius sa likod nina Bea at Vice. Sabi ni Bitoy sa caption, "Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon-Valdes in one photo."
Dagdag din ni Michael V., "Thanks to GMA Gala 2024, nangyari na rin finally! Thank you din sa Nice Print Photo. Ipapa-frame ko 'to."
Maraming followers ang natawa at nag-komento sa post ni Bitoy. Kasama na ang iba pang Kapuso stars na sina Rocco Nacino, Benjamin Alves, Rochelle Pangilinan, Iya Villania, Bea Alonzo, at marami pang iba.
Naghatid din ng good vibes ang co-star ni Michael V. na si Manilyn Reyes sa isang Instagram video.
Sa umpisa ng reel, kitang malungkot ang aktres habang naka-upo sa kanilang table. Tinanong din siya ni John Feir kung bakit wala itong gana kumain o kaya ayaw makisaya sa ibang stars. Maya-maya biglang inangat ng aktres ang table cloth at doon ipinakita ang kaniyang sirang heels.
Pabirong nag-komento si Manilyn, "Kaya dapat talaga, ginagamit ang mga sapatos e! Sabi nga ni Patrick, “ THE SHOE MUST GO ON ! “ hahaha."
Sa livestream naman mismo ng GMA Gala 2024 red carpet, naging usapan ng netizens ang video bomb ng Running Man Phiillipines star na si Glaiza De Castro.
Habang kinukunan ang pagrampa ng celebrities sa red carpet, biglang humarang ang Kapuso star sa camera. Natawa ang fans sa biglang reaksyon ni Glaiza nang napansin na niya ang camera. Paliwanag ng aktres, hindi raw niya napansin kaagad ito dahil sa pagchika niya sa iba pang stars.
Meron din ibang Sparkle stars ang naghandog naman ng pasilip sa kanilang GMA Gala experience.
Ang 'Yes Na Yes For You' content creator na si Mark Oliveros, todo ang kilig at saya habang ikinukuwento niya ang kaniyang fan experience kasama ang Pulag Araw star na si Barbie Forteza.
Kuwento niya, "Pag-hello ko sa kaniya, ate ang sinabi niya sa akin, 'Oooh!' Ganu'n parang nakilala niya ako. Bigla siyang tumalak. Sabi niya, 'Alam mo. I'm so so proud of you. 'Yung papunta pa lang ako dito sa event, nanonood ako ng livestream ng red carpet. Nakita kita you are so beautiful. You are so stunning. I'm so happy for you.' "
May kulitan moments din ang Black Rider star na si Herlene Budol, kung saan nag-post pa siya ng TikTok video kasama ang ibang celebrities na dumalo sa gala.
Isa sa mga ipinakita ng aktres, ang pag-kiss niya sa cheeks ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. Disclaimer din ni Herlene may permiso ito galing sa aktor mismo.
Nag-viral din ang "fell off stage" moment ng aktres, kung saan pinusuan din ng fans ang pagtulong ni Barbie sa kaniya.
Samantala, balikan ang stunning looks ng kilalang celebrities sa GMA Gala 2024, dito: