TINGNAN: Kilig moments nina Ken Chan at Rita Daniela

Patok sa TV at online ang naging love team nina Ken Chan at Rita Daniela simula nang maging bida ang dalawa sa hit Kapuso drama na 'My Special Tatay.'
Nasundan ito ng pagho-host ng RitKen sa ilang programa ng GMA tulad ng 'The Clash,' 'Studio 7,' 'All-Out Sundays,' at ang kanilang unang primetime drama na 'One of the Baes.'
Nalalapit na rin ang paglabas ng kanilang unang film appearance na Huling Ulan sa Tag-Araw.
Bukod rito, gaganap muli ang dalawa sa upcoming Kapuso drama na 'Ang Dalawang Ikaw.'
Maituturing na malaking blessing ito ng dalawa dahil patuloy ang kanilang mga proyekto sa gitna ng pandemya.
Sa likod ng kamera, malapit na magkaibigan din sina Rita at Ken at makikitang close na close sila sa kanilang mga vlogs. Walang duda na ang RitKen ang isa sa mga pinaka-in demand na Kapuso stars sa telebisyon. Tingnan ang kanilang sweetest photos na nagpapakita ng kanilang natural chemistry.



















