GMA Logo Diana Zubiri
Sources: iamarvinsantos and dianazubirismith on Instagram
What's on TV

Diana Zubiri, excited nang magbalik sa acting

By Marah Ruiz
Published August 3, 2024 11:12 AM PHT
Updated October 29, 2024 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Diana Zubiri


Excited nang bumalik sa pag-arte sa isang teleserye si Diana Zubiri.

Sa Australia na naka-base ang aktres na si Diana Zubiri kasama ng kanyang asawa at kanilang mga anak.

Madalas silang bumibista sa Pilipinas para magbakasyon at pagbalik nila ngayong taon, maraming mga oportunidad ang lumapit kay Diana.

Magiging bahagi siya ng upcoming drama series na Mga Batang Riles, na pagbibidahan ng young Kapuso actors na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon.

Looking forward daw si Diana sa pagbabalik niya sa pag-arte.

"Siyempre po. gusto ko na po ulit maranasan 'yung nasa set ka, nagte-taping tapos kasama mo ulit 'yung mga ibang artista kasi matagal ko siyang hindi na-experience. Excited ako," pahayag niya.

Natuwa rin si Diana sa balita na muli pang lalawak ang mundo ng iconic telefantasya na Encantadia dahil sa isa pang upcoming series na Sang'gre: The Encantadia Chronicles.

Matatandaang si Diana ang unang gumanap bilang Sang'gre Danaya na tagapangalaga ng brilyante ng lupa.

"Masaya po ako kasi ito 'yung pinanggalingan kong show. Until now after almost 20 years, gagawin na naman siya. Siyempre mauungkat 'yung pangalan natin, babalikan kung ano 'yung previous na ginawa namin. I'm very excited for Bianca [Umali] and for doon po sa lahat ng mga bagong gaganap," lahad niya.

Panoorin din ang buong panayam kay Diana Zubiri ng 24 Oras sa video: