
Star-studded ang naganap na gala night ng 2024 Cinemalaya entry na Balota dahil dumalo rito ang iba't ibang celebrities gaya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa multi-awarded actor at host, sinabi niyang proud siya sa kanyang misis na si Marian Rivera at sa lahat ng bumubuo sa naturang pelikula, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
“Sobrang proud sa kanya (Marian) at saka sa lahat ng bumubuo ng pelikula, mula sa director [at] writer na si Direk Kip [Oebanda], sa buong cast at saka sa producers. Hanga ako sa katapangan ng pelikulang ito,” sabi ni Dingdong.
Bukod kay Dingdong, present din sa screening ng Balota sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Entertainment Group Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Executive Vice President for GMA Pictures and First Vice President for GMA Public Affairs Nessa Valdellon, National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, pati ang ilang Kapuso stars at personalities.
Ayon naman kay Marian, “sobrang priceless” ang kanyang naging karanasan sa Balota.
“Nagpapasalamat talaga ako na nagawa ko talaga ito,” aniya.
Mapapanood ang Cinemalaya entry na Balota sa mga piling Ayala cinemas hanggang August 11.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CAST NG BALOTA SA NAGANAP NA CINEMALAYA 2024 PRESS CONFERENCE SA GALLERY NA ITO.