GMA Logo Jake Jarman, Teacher Anne Gallo Sim
Source: SagePrepSchoolhouse (FB)
What's Hot

Olympic bronze medalist Jake Jarman receives message from his preschool teacher

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2024 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Jake Jarman, Teacher Anne Gallo Sim


Alamin ang mensahe ng preschool teacher ni Jake Jarman dito:

Bukod kay Carlos Yulo, isa pang gymnast ang nakakuha ng atensyon ng mga Pilipino. Ito ay si Jake Jarman, na gumawa rin ng ingay sa kanyang debut sa 2024 Paris Olympics.

Ipinagdiwang rin ng mga Pilipino ang nakuhang tagumpay ng Filipino-British gymnast sa kanyang Olympics journey. Nakakuha siya ng score na 14.933 points sa Artistic Gymnastics men's floor exercise event at nasungkit ang bronze medal mula dito.

Dahil sa kanyang tagumpay, ang dating preschool teacher niya mula sa Cebu na si Anne Gallo-Sim ay nag-iwan ng isang mensahe para sa kanya.

Post ni Teacher Anne sa kanyang Facebook, “Remember those days in Sage & Cambridge (Lahug) Cebu preschool? Back then, you were always full of energy packed in a petite frame. But your mind and heart were b-i-i-i-g beyond measure.”

“I am so proud of you! Keep up your hard work and achievements!” pagtatapos ni Teacher Anne sa kaniyang mensahe.

Kalakip nito ay ilang litrato ni Jake noong kabataan niya kasama si Teacher Anne at kaniyang mga kaklase.

MAS KILALANIN PA SI JAKE JARMAN SA GALLERY NA ITO:

Nakuha ng 22-year old gymnast ang interes ng mga Pilipino nang ipaalam niya kamakailan ang kanyang pagiging half-Filipino.

Sa kanyang Instagram stories, sinagot ni Jake ng “Real” ang tanong ng isang follower tungkol sa kanyang Filipino heritage. Ibinahagi pa niya ang litrato niya noong bata pa, kung saan makikitang suot niya ang isang puting t-shirt na may nakasulat na “Jake [heart] Cebu.”

Aniya, ang kanyang ina na si Ana Jarman ay tubong Cebu.