
Aminado ang Kapuso singer at actress na si Mitzi Josh na sa ngayon ay mas priority niya ang kaniyang sarili at trabaho kaysa love life. Ngunit aniya, isa sa mga naging crush niya ay ang Encantadia Chronicles: Sang'gre actor na si Kelvin Miranda.
“For now, in love ako sa sarili ko and sa career ko and work-work muna, and sa family ko, of course, and kay God. I'm not closing any doors naman but for now, 'yun 'yung mga focus ko, du'n ako in love,” sabi ni Mitzi Josh sa panayam ng GMANetwork.com sa kaniya.
Ngunit pag-amin niya, isa sa mga naging crush niya bago pa siya nakapasok sa GMA ay si Kelvin Miranda na una niyang napanood sa pelikula nitong Dead Kids.
“First [time] ko siyang napanood, tapos 'yung isa, hulaan n'yo na lang. Hulaan n'yo nalang kung sino. Clue, GMA Playlist din siya,” sabi ng singer-actress.
Paliwanag ni Mitzi Josh kung paano niya nagustuhan si Kelvin Miranda, “Ang galing niya po kasi umarte e, ang ganda rin ng boses niya and pinaka nagustuhan ko sa kaniya is 'yung mata, parang nangungusap 'yung mga mata niya.”
At bilang fan din siya ng K-Pop, naging celebrity crush din niya ang grupong Seventeen. Pag-amin pa ni Mitzi Josh ay isa siyang Karat, ang tawag sa fandom ng sikat na grupo.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG KAPUSO SINGERS NA DUMALO SA 2022 GMA GALA SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kakantahin naman ni Mitzi Josh ang kaniyang first-ever single na "Could Get Used to You" sa GMA Playlist ngayong August 16. Ayon sa singer-actress, matagal na niyang inaabangan na makanta ng live ang kaniyang single matapos itong ma-pitch sa kaniya, at ma-record.
“Super tagal ko rin inantay na makanta siya ng live and marinig so I'm so thankful and happy nu'ng nakanta ko siya finally,” sabi niya.
Paglalarawan naman ni Mitzi sa kaniyang kanta, “'Could Get Used to You' is about love e, talagang in love talaga 'yung sumulat nito. Pero sobrang ganda lang talaga nu'ng song and 'yung inspo siguro is 'yung about love.”