
Isa si Snooky Serna sa mga pinakahinahangaang aktres noong '80s. Sa katunayan, marami at halos sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa niya noon. Dahil dito, nagkaroon din ng ilang ka-love team ang aktres: sina Gabby Concepcion, Richard Gomez, at Albert Martinez.
Ngunit sino nga ba sa tatlo niyang leading men ang pinakaespesyal para kay Snooky?
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, binalikan ni Snooky ang tatlo sa kaniyang mga naging leading men at sinagot kung sino ba talaga ang pinaka-special sa kanila para sa kaniya.
Sabi ni Snooky, “Ako, para sa 'kin, Gabby.”
Paliwanag ng aktres, “ Richard was part of Blusang Itim, Albert was my first love, pero si Gabby kasi parang may special chemistry kami.
“Ako, I felt the chemistry. 'Yung sa pag-arte namin, parang we would read each other's minds, tapos 'yung pati sa itsura namin. Ewan ko ha, kasi ito 'yung sabi sa akin ni Mother [Lily] palagi, na parang, 'Hay naku, Snooky-Gabby, [gusto] ko 'yan. Kasi parehong mestizo, mestiza, maganda, gwapo, bagay na bagay,'” sabi ni Snooky.
Pag-amin pa ng aktres, ay nakita rin niya kalaunan na tila bagay nga sila ni Gabby, lalo na ang kanilang physical features.
Dagdag pa ni Snooky, “And 'yung acting kasi namin, I mean 'yung chemistry namin while acting for a role in a movie, parang may rapport kami.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG NOTABLE ROLES NA GINAMPANAN NI SNOOKY SA GALLERY NA ITO:
Inamin rin ni Snooky na kinilig din siya kay Gabby nang “sobra,” ngunit hanggang professional relationship lang. Gayunman, aniya, nasaktan pa rin siya noong may ibang niligawan ang aktor.
“Kasi in a way, parang first puppy love ko yata talaga si Gabby. I can now openly say it dahil matatanda na kami. Ewan ko ba kung ano ang secret niya, pero ang gwapo talaga ni Gabby. Talagang ang linis-linis ng aura niya, mabango tingnan, napaka-neat ni Gabby,” sabi ng aktres.
Pakinggan ang part one ng interview ni Snooky dito: