GMA Logo crystal paras
What's Hot

Crystal Paras on her OST Gem moniker: 'It feels nice to be validated'

By Kristian Eric Javier
Published August 16, 2024 2:12 PM PHT
Updated August 16, 2024 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Phoenix dominates Blackwater to halt two-game slide
Dagan na uban ang Sparkle Artists sa Sparkle Run 2026| One Mindanao
Marian Rivera's French designer bag is simply elegant

Article Inside Page


Showbiz News

crystal paras


Puno ng pasasalamat si Crystal Paras sa oportunidad na maging isang GMA Artist.

Kilala ngayon ang Kapuso singer at actress na si Crystal Paras bilang OST gem dahil sa pagkanta niya ng original sound track ng ilan sa mga programa ng GMA Network. Kabilang na dito ang Hearts on Ice, The Lost Recipe, at marami pang iba.

Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Crystal na masaya na siyang makakanta para sa network dahil iyon naman talaga ang pangarap niya. Kuwento pa niya, hindi niya inakalang kukunin pa siya matapos matanggal sa reality talent search competition na StarStruck.

“I'm just happy that after thinking that my singing dreams would end, they still gave me the chance. It's flattering, it feels nice to be validated, na hindi kailangan maging biritera, to hear your voice on TV, to hear your voice on screen, on the radio,” sabi ng singer-actress.

Dagdag pa niya ay nagamit na rin ang kaniyang first single na "Hintay" para sa ilang GMA Movies kaya naman masaya siyang makarinig ng magandang reaksyon ng mga tao.

“Malaking bagay po 'yun para sa 'kin kasi ang tagal ko pong kumakanta na siguro sampu lang, even less, 'yung manonood sa'kin,” sabi ni Crystal.

MAS KILALANIN PA SI CRYSTAL PARAS SA GALLERY NA ITO:

Kaya naman, nagpapasalamat si Crystal na binigyan siya at ang ibang artists ng GMA at GMA Playlist ng isang platform kung saan maipapamalas nila ang kanilang talento sa pagkanta. Bukod kasi sa cover songs, hinahayaan din sila kantahin ang kanilang original songs.

“That's the best thing about it. Sana pagpatuloy pa rin makinig 'yung mga tao. Sinasalang din nila kami sa mga kanta na feeling namin, kaming mga artists, 'di namin kaya. But in the end, people end up liking it, people end up buying our songs on streaming platforms and I'm thankful,” sabi ni Crystal.

Dagdag pa ng Kapuso singer, “I hope that even with or without the titles, meron lang kahit isang taong maka-appreciate, happy na 'ko.”