
Kabilang ang actress at celebrity mom na si Aubrey Miles sa cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.
Gaganap si Aubrey bilang si Sonia Dela Costa sa naturang serye, na pinagbibidahan nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.
Ayon sa aktres, isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na gawin ang afternoon soap ay dahil sa co-star niyang si Kyline, na gaganap bilang isa sa kanyang mga anak.
“I like Kyline before pa so I like her acting, I like everything about her. So sabi ko, isa siya sa reasons bakit din I said yes to this show. And I like the role because parang related din siya sa akin na as a very serious, loving mom and gusto ko rin na she's always dressed up. So maraming reasons that's why I said yes to this show,” paglahad niya.
Bumilib din si Aubrey sa acting performance ng young cast ng Shining Inheritance at marami siyang natutunan mula sa mga ito.
Aniya, “The attack na ginagawa nila is different from what I'm used to. But of course, it's good, too. Magagaling sila ngayon, as in maraming magagaling ngayon and you'll learn from them na masu-surprise ka na… okay din pala na may mga atake sila na it works like that.
“I like it kasi kapag nakikita ko si Ms. Coney, si Kyline, si Michael, nakikita ko 'yung difference ng acting. Ang dami kong, 'Ah, dapat ganito.' So I'm still learning kahit na ang tagal ko na sa showbiz. Happy ako na dalawang [magkaibang] generation nakakasama ko sa work.”
Kabilang din sa cast ng nalalapit na serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Abangan ang Shining Inheritance sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.