
Umpisa na ng ika-49 season ng PBA at ginanap ang opening ceremony nito kahapon, August 18.
Ilang celebrities naman ang dumalo sa event bilang mga muse, o kaya naman ay performer.
Isa sa mga muse ay ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose. Nagsilbi rin siyang muse noong nakaraang taon para sa Magnolia ngunit kahapon ay naguna siya sa sister team nitong Barangay Ginebra.
Kinuha naman ng Hotshots ang aktres at model na si Rere Madrid para maging muse nila, habang ang streamer, actress, at host na si Myrtle Sarrosa, suot ang kaniyang cosplay outfit, ang nanguna para sa team ng Converge.
Muse din ang ice skater at dating Hearts on Ice actress na si Skye Chua para naman sa NorthPort.
Samantala, nagbigay naman ang former Black Rider star na si Angeli Khang ng isang sizzling performance para sa nakakapanabik na opening ceremony ng pinakabagong PBA season.
MEANWHILE, TAKE A LOOK BACK AT THE CELEBRITY MUSES IN PBA OPENING CEREMONIES