
Mapapanood ang batikang aktres na si Glydel Mercado sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance, na pagbibidahan nina Kate Valdez at Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Glydel, sinabi niyang very exciting ang kanyang gagampanang role sa naturang serye dahil tila babalik muli siya sa pagiging kontrabida.
“Noong in-offer sa akin itong Shining Inheritance, binasa ko 'yung script, sabi ko, 'Wow, ang daming ginagawa ng character ko na si Lani.' Pero very exciting kasi parang last two soaps na ginawa is parang mabait ako so parang ito iba naman ulit. Parang babalik ako sa mga kontrabida character ko. Na-excite ako sa character ni Lani rito sa Shining Inheritance kaya I accepted this role,” kuwento niya.
Ayon pa kay Glydel, maganda ang nabuong on- and off-cam relationship nila ng kanyang co-stars sa serye dahil lahat sila ay nagtutulungan.
Aniya, "Actually noong story conference palang namin, si Tita Coney sinabi na, 'We are a team. So kailangan magtulungan tayo.' Kaya 'yun 'yung laging nasa utak ko na we are a team.
"Halimbawa, kung mayroong kailangan ng tulong ng isang kasamahan namin o co-actor, talagang nagtutulungan kami. Kaya off-cam [at] on-cam, maganda 'yung relationship naming lahat, very harmonious.”
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Aubrey Miles, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, at Charuth.
Abangan ang Shining Inheritance sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.