GMA Logo Nadia Montenegro and Sophia Asistio
What's Hot

Nadia Montenegro, handa nang suportahan si Sophia Asistio maging artista

By Kristine Kang
Published August 21, 2024 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Nadia Montenegro and Sophia Asistio


Nadia Montenegro sa plano ng kanyang anak: 'I will support her kung ano man gusto niyang puntahan'

Maraming netizens ang nakapansin sa potensyal na maging artista ng isa sa mga anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Asistio.

Kamakailan, mas nagningning ang dalaga sa social media nang ipagdiwang niya ang kanyang ika-18 kaarawan sa Celebrity Sports, Quezon City.

Sa Instagram, tila Hollywood actress si Sophia sa kanyang mga larawan habang nakasuot ng scarlet fitted gown na may kasamang neck piece. Marami rin ang nagandahan sa kanyang mga litrato na nakasuot ng diamond-studded top at ruffled layer gown.

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Naging usapan din sa internet ang pagkanta ni Sophia ng jazz single na "Diamonds Are a Girl's Best Friend" sa kanyang kaarawan. Maraming guests at netizens ang pumuri sa dalaga, nagsasabing may potensyal siya na maging artista dahil sa kanyang ganda at talento.

Sa isang panayam ni Nadia kasama si Julius Babao, kinumpirma ng aktres na matagal nang pangarap ng kanyang anak na maging artista.

"Talagang gusto niya maging artista noon pa," pahayag ni Nadia. "But due to the circumstances, hangga't hindi pa namin naaayos 'yung dapat namin i-ayos, so hindi ko pa muna siya pinayagan. But concentrate muna siya sa studies niya," paliwanang niya.

Ngayon na nasa legal age na ang kanyang anak, plano na ni Nadia na suportahan ang mga nais ng kanyang anak, kahit ang pagpasok ito sa showbiz.

"But now that she's already in Grade 12 and 18 na rin siya, I will support her kung ano man ang gusto niyang puntahan," sabi niya.

Nilinaw din ni Nadia na hindi niya tutulungan ang kanyang mga anak sa pagpasok sa showbiz dahil nais niyang matutunan nila ang hirap at sikap sa pag-aartista.

Aniya, "Hindi naman porket artista ako, marami akong kaibigan, alam mo iyon connections, gusto ko pinaghihirapan nila. Kasi parang ako, I came from you know kusang nag-audition, lahat. So gusto ko ganoon din ang pagdadaanan nila."

Maliban sa kanyang debut, kilala rin si Sophia sa kanyang nakaaaliw at nakabibighaning videos sa social media, lalo na sa TikTok.

Marami ang nakakikilala sa kanya bilang bunso at isa sa mga magagandang pitong anak ni Nadia at ng kanyang asawa na si Macario "Boy" Asistio Jr. Ngunit noong Hulyo, pumutok ang balita tungkol sa pag-amin ng kanyang ina na siya ay anak ng aktor na si Baron Geisler.

Paliwanag ni Nadia sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya ito para tuldukan ang mga chismis tungkol sa kanyang anak at matigil na ang isyu.

"Sophia is turning 18 in August and that's why I'm here, it's not for views, not to trend because that's one thing I hate, but to put an exclamation to everything," paliwanag niya.

Kilalanin pa ang mga babaeng anak ni Nadia Montenegro sa gallery na ito: