
Single at happy ngayon ang Widows' War actress na si Bea Alonzo.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, inamin ni Bea na may mga nagpaparamdam sa kanya pero aniya, wala pa raw siyang dine-date exclusively.
Ipinarating din ni Bea ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.
"Okay naman ang lagay ng puso ko ngayon. I'm enjoying being single," sabi ni Bea.
"I mean there are people... siyempre naman may nagpaparamdam, sometimes you reply, sometimes you see people," dagdag niya.
Kahit na abala ngayon sa hit murder mystery series na Widows' War, ani Bea, sinisikap niya pa ring magkaroon ng work-life balance.
"Most of the time 'yung three days a week ko, minsan may trabaho, or my hobbies. Self-care, like I go to the derma, I go to the salon.
"So, I would say I strive for a work-life balance and that's what makes me happy right now," sabi ng aktres.
Panoorin ang buong interview ni Bea Alonzo sa 24 Oras dito: