
May bagong handog ang GMA Heart of Asia sa Pinoy viewers.
Simula sa darating na September 16, ipapalabas na sa GMA ang isang exciting na Korean fantasy series.
Ito ay ang The Heavenly Idol, ang seryeng hango sa isang web-novel drama.
Pagbibidahan ito ng Korean stars na sina Lee Jang-woo, Go Bo-gyeol, at Kim Min-kyu.
Makikilala sila rito bilang sina Rufus, Dahlia, at Rembrary/Nico.
Kabilang sa mga dapat abangan dito ay ang mga karakter nila sa naturang fantasy series.
Tampok sa upcoming series ang istorya ng mga nilalang na nasa supernatural other world at present world. Isa rin sa tema nito ay ang tungkol sa K-pop idols.
Unang ipinalabas ang The Heavenly Idol sa Korea noong 2023 at isa ito sa mga talaga namang dapat subaybayan sa Philippine television ngayong 2024.
Huwag palampasin ang unang episode nito, mapapanood na sa darating na September 16, 11:00 p.m. pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
Related gallery: Korean stars who call the Philippines their second home