
Tila hindi na maitago ni Sylvia Sanchez ang kanyang excitement sa kanyang paparating na unang apo.
Malapit na kasing manganak si Ria Atayde, ang isa sa mga anak ni Sylvia.
Sa panayam na ibinahagi ng YouTube content creator na si Dondon Sermino, inilahad ng seasoned actress kung ano ang nararamdaman niya sa nalalapit na paglabas ng kanyang apo.
Ayon kay Sylvia, hindi na raw siya nakakatulog dahil sa excitement.
“Anong feeling? Hindi na ako nakakatulog dahil darating na ang aking little boss, excited ako,” pahayag ng aktres.
Nabanggit din niya na mino-monitor niya ang kanyang anak, “Everyday tine-text ko si Ria, Oh buntis hindi pa ba sumasakit?”
“Anytime na 'yun eh, mas aligaga ako,” dagdag pa niya.
Kasunod nito, inilahad ni Sylvia na mayroon na siyang nakahandang regalo para sa kanyang apo.
Samantala, si Ria ay happily married sa aktor na si Zanjoe Marudo.
Sina Ria at Zanjoe ay ikinasal noong March 23, 2024 kasabay ng 32nd birthday ng una.