GMA Logo phao faraon
Source: Tomboy Philippines
What's Hot

'That's My Tomboy' ex-finalist, mas confident nang sumali sa pageants

By Nherz Almo
Published September 17, 2024 6:34 PM PHT
Updated September 17, 2024 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

phao faraon


Phao Faraon: “Mas kaya ko na pong lumaban ngayon.”

Kapansin-pansin ang pagiging confident ng dating 'That's My Tomboy' finalist na si Phao Faraon nang ipakilala ng Tomboy Philippines ang 30 candidates nito noong nakaraang Sabado, September 14.

Maituturing na kasing beterano si Phao sa ganitong kompetisyon dahil, bukod sa dating pageant ng It's Showtime para sa lesbians, nakasali na rin siya sa iba pageants sa iba't ibang barangay.

Gayunma, aminado si Phao na mas malaki ang naging epekto sa buhay niya nang maging finalist siya ng 'That's My Tomboy' noong 2014.

Sa maiksing panayam ng GMANetwork.com pagkatapos ng press presentation, sinabi ni Phao, “Malaki yung binago ng It's Showtime pageant para sa akin dahil nagbago ang buhay ko. Doon ako tinanggap ng mga tao, doon ako tinanggap ng mga magulang ko nang buong-buo. Dahil din doon, nag-start ang business ko at maraming sumuporta sa akin.”

Ang tinutukoy na business ni Phao ay ang kanyang sariling brand ng chest binders para sa mga katulad niyang lesbians.

Aniya, “Yun ngayon ang dahilan kung bakit ako naging successful at napatayuan ng bahay yung mga magulang ko. Nabigyan ko sila ng magandang buhay dahil sa 'That's My Tomboy.' Simula po ng 'That's My Tomboy,' hindi na po natapos ang pagmamahal sa akin ng mga tao.”

A post shared by Phao Faraon (@phaofaraon93)

Dahil din sa paglago ng kanyang business, mas naging confident si Phao sumali sa kauna-unahang nationwide pageant na Tomboy Philippines.

Kuwento niya, “Mas kaya ko na pong lumaban ngayon at alam kong kaya ko nang suportahan ang sarili ko. Before po kasi, talagang nanghihiram pa ako ng gamit para lang suportahan ang sarili ko dahil nga po wala pang kakayahan.

“Pero ngayon nga po, sa Tomboy Philippines, malaki po ang impact niya sa akin kasi alam kong mas marami tao na ang nanonood at nakikinig para ipakita namin ang mga adbokasiya ng mga tomboy at maipakita namin ang kaya naming ipakita sa ibang tao.”

Gaganapin ang grand coronation night ng Tomboy Philippines sa October 19, 2024 sa Music Museum, San Juan City.

Samantala, tingnan ang mga aktres na gumanap bilang lesbian sa gallery na ito: