GMA Logo sam verzosa on Dear SV
What's Hot

Sam Verzosa, namahagi ng 100 siomai carts sa 'Dear SV'

By Marah Ruiz
Published September 18, 2024 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

sam verzosa on Dear SV


Namigay ng 100 siomai carts si Sam Verzosa sa kanyang programang 'Dear SV.'

Ipinagdiwang ni politician and entrepreneur Sam Verzosa ang kanyang kaarawan nitong September 12, 2024.

Kilala bilang SV, minarapat niyang i-share ang kanyang blessings sa kanyang espesyal na araw.

Namahagi siya ng 100 siomai carts para sa mga nais magsimula ng kanilang negosyo. Nakakabit ang bawat cart sa bisikleta para mas madali itong ibiyahe.

May kasama itong iba't ibang mga kagamitan sa pagluluto at pagtitinda tulad ng kalan, steamer, lalagyan ng inumin, cooler, sauce bottles, condiment jars, at iba pa.

Mayroon pa itong kasamang ilang food supplies tulad ng siomai, bigas, mga sawsawan, toyo, sago, gulaman, at iba pa.

Nasa 700 katao ang nag-apply para sa libreng start-up na pangkabuhayan ni SV. Sinuri sila nang mabuti para mapili ang 100 na siyang nabigyan ng food carts.

Inihandog ni SV ang mga siomai carts sa mga taong napili sa basketball court ng Manuel L. Quezon University sa Hidalgo Street sa Quiapo, Manila noong September 16.

"Tutulungan ko kayong tulungan ang mga sarili ninyo. Sagot ko po kayong lahat," pahayag ni SV

Lubos na naging emosyonal ang mga nahandugan ng pansimula ng kanilang negosyo kaya hindi rin napigilang maluha ni SV.

May nakilala pa siyang isang ama na nasa ospital ang anak at nangako siya rito ng karagdagang tulong.

"Ramdam ko 'yung sakit, ama rin ako eh. Nakita ko 'yung anak niya sa ospital. Hindi lang ito ang tulong ko sa'yo. Sasagutin ko 'yung sa ospital mo ah, sa anak mo. Akong bahala sa 'yo," aniya.

Mapapanood ang pamamahagi ni Sam Vezosa ng 100 siomai food carts sa kanyang public service program na Dear SV. Dalawang bahagi ang kanyang birthday special kaya tunghayan ito sa September 28 at October 5, 11:30 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang intimate birthday celebration ni Sam kasama ang kanyang mga kaibigan dito: