What's Hot

Who are Joyce Ching's fave 'Bubble Gang' characters?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Do you share the same favorites as the Kapuso teen? 
By AEDRIANNE ACAR
 
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Hindi na mabilang ang mga karakter at personalidad na sumikat sa tulong ng Bubble Gang.

Sa halos labingsiyam na taon nitong pamamayagpag sa Philippine TV, humaba ng humaba ang listahan nila ng mga funny characters na tumatak na sa imahinasyon ng maraming Pilipino. 
 
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa trio nila Brod Pete, Brother Willie at Brother Jocel na sumikat noong '90s sa segment na “Ang Dating Doon” na hanggang ngayon ay isa pa rin sa pinakapaboritong segment sa Bubble Gang
 
Paniguradong paborito mo rin ang tandem ng pilyong si Angelina (played by Ogie Alcasid) and the phenomenal comedian Michael V bilang matiising Yaya niya. 
 
Humalagpak tayo sa kakatawa sa mga pangto-torture ni Angelina kay Yaya at dahil sa popularity nilang dalawa ay nakita natin sila sa big screen nang ilabas ang kanilang pelikula noong 2009 titled Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie. 
 
Kaya tinanong namin si Joyce Ching kung sinu-sino ang pinaka-memorable na mga Bubble Gang characters para sa kanya. Sagot ng Kapuso comedian, “Pinakapaborito ko siguro si Yna Moran ''tsaka si Selphie sobrang nakakatuwa talaga, sobrang nakakatuwa. 'Tsaka si Mr. Assimo sobrang gusto ko si Mr. Assimo.”
 
“Kasi si Selphie 'tsaka si Yna Moran, sobrang, wala sobrang nakakatawa lang talaga sila mag-usap. Tapos si Mr. Assimo naman sobrang naaaliw ako sa kanya kasi 'yung mga sinasabi niya in a way totoo naman na parang pag binabara niya 'yung mga tao oo nga naman bakit mo naman kasi tinatanong mga ganun,” dagdag ni Joyce. 
 
Ayon nga sa dalaga kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na mag-direct ng isang episode ng Bubble Gang gusto niya ng isang high energy segment sa gag show.
 
“Kung may ide-direct man ako na skit 'yung high energy na skit mga ganung tema, mga OA production acting ganun.”