GMA Logo Sheryn Regis
Photo from sherynregis (IG)
What's Hot

Sheryn Regis, proud sa pagsikat ng 'Gusto Ko Nang Bumitaw'

By Jansen Ramos
Published September 20, 2024 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Sheryn Regis


Higit na nakilala ang original song ni Sheryn Regis na "Gusto Ko Nang Bumitaw" nang i-revive ito ni Morissette.

Sobrang proud si Sheryn Regis sa pagsikat ng kanyang kantang "Gusto Ko Nang Bumitaw" matapos itong i-revive ng kapwa niya Kapamilya singer na si Morissette.

Original song ito ng Sheryn na ini-release noong 2021 sa ilalim ng Star Music. Higit na nakilala ang "Gusto Ko Nang Bumitaw" nang i-record ito ni Morissette na lumabas noong sumunod na taon. Sa ngayon ay may mahigit 28 million streams na ang bersyon ng huli sa Spotify.

"Kung napasikat man ni Morissette yung 'Gusto Ko Nang Bumitaw,' nagpapasalamat ako kasi part ako ng journey and I partly wrote that song," bahagi ni Sheryn sa Fast Talk with Boy Abunda sa September 18, 2024-episode ng showbiz news and talk show.

Related gallery: Sheryn Regis, may tampo ba kay Boy Abunda?

Ayon kay Sheryn, na binansagang Asia's Crystal Voice, sentimental siya sa pagsikat nito dahil tungkol ito sa kanyang buhay, partikular na sa mga traumatic personal experience niya.

"Konting part n'yan about sa buhay ko. Si Kuya Jonathan (Manalo) talaga yung nag-rephrase ng song, Tagalog lahat kasi in English ko sinulat before.

"I'm happy kasi everything's unexpected kasi sa pagbalik ko nga, Tito Boy, yung 'Gusto Ko Nang Bumitaw,' nakilala ulit ako bilang Sheryn. Nagpapakilala pa ulit ako."

Parte ng comeback album ni Sheryn ang "Gusto Ko Nang Bumitaw" noong 2022, kasabay ng pagbalik niya sa bansa mula Amerika kung saan dalawang dekada siyang nanirahan.