GMA Logo Max Collins, Pancho Magno, Sky, with comment
Photo by: magnopancho, maxcollinsofficial IG
What's Hot

Max Collins at Pancho Magno, may chance kayang magbalikan?

By Kristine Kang
Published September 25, 2024 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins, Pancho Magno, Sky, with comment


Ano kaya ang relationsip status nina Max Collins at Pancho Magno?

Maraming netizens ngayon ang naiintriga sa mga usap-usapin tungkol sa dating Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno. Napansin ng ilang followers ang tila pagiging supportive at sweet muli ng dalawa sa isa't isa sa social media.

Kasalukuyang nasa Milan Fashion Week si Max, kaya't sunod-sunod ang kanyang adventures sa Italy. Ibinabahagi niya ang kanyang fashion moments at food escapades sa kanyang Instagram na marami ang namamangha sa kanyang mga litrato. Ngunit may isang follower ni Max ang pumukaw sa atensyon ng netizens. Walang iba kung hindi ang kanyang dating asawa na si Pancho.

Kadalasan, present si Pancho sa comment section ng mga post ni Max, kung saan nag-iiwan siya ng mga emojis tulad ng fire, clapping, at "wow" reacts. Sa isang post din ni Max na kumakain croissant, naglapag ng pizza emoji si Pancho. Maraming kinilig nang nag-reply si Max, "I'll bring you back some."

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)


Hindi lang si Pancho ang nagiging sweet sa Instagram ni Max. Sa kanyang sariling Instagram post, nag-post si Pancho ng litrato kasama ang kanilang anak na si Skye, kung saan makikitang masaya silang nakahiga sa kama at nakangiti sa camera. Nagulat ang netizens nang nagkomento si Max ng "My cuties," na mas lalo pang nagpakilig at nagpa-isip sa marami na maaaring nagkakabalikan na ang dating mag-asawa.

A post shared by Pancho Angelo Magno (@magnopancho)


Matatandaang sa isang panayam ni Max Collins sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya na nanatili silang magkaibigan ni Pancho kahit sila ay naghiwalay na. Patuloy din silang nagtutulungan sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Skye, kahit may pinag-uusapan na silang proseso ng divorce sa USA.

"We're good, we're great. It really works for us. It's been really healthy and we're both happy as our son's very happy so it really worked out for the best," sabi ni Max.

Balikan ang sweet photos nina Pancho Magno at Max Collins sa gallery na ito: