GMA Logo Suzette Doctolero
What's Hot

Suzette Doctolero, aminadong nakakaramdam ng insecurity bilang writer

By Kristian Eric Javier
Published September 25, 2024 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Suzette Doctolero


Suzette Doctolero sa pagiging isang writer: 'Laging napaka-insecure. Laging dinadaga ang dibdib.'

Aminado ang head writer ng hit historical drama series na Pulang Araw na si Suzette Doctolero na sa tinagal-tagal niya bilang isang manunulat ay meron pa rin siyang insecurities sa kaniyang mga projects.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Suzette na para sa kaniya, writers ang pinaka-insecure na mga tao sa entertainment industry. Aniya, malupit ang mga writers sa sarili nila at madalas ay hindi mapakali kapag pakiramdam nila ay may mali sa kanilang sinulat.

“Tapos 'pag pinapanood ko siya, tapos hindi naman napapansin ng mga audience pero sabi ko, 'Oh, my God, sana pala ganito ginawa ko. May ganitong eksena akong pinasok pala dito, o dapat ganito ang ginawa ko sa eksenang 'yun."

Pagpapatuloy ng batikang writer, “So it is always natututo ka lagi pero totoo 'yun para sa'kin dahil ang writer, laging napaka-insecure, laging dinadaga ang dibdib lalo na kapag halimbawa ipapalabas na siya. Ganu'n ang mga buhay natin, nakasalalay halimbawa sa ratings or review.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG CELEBRITIES NA BOOK AUTHORS NA RIN SA GALLERY NA ITO:

Inamin din ni Suzette na mas nakaka-insecure sa panahon ngayon dahil mayroon nang kalayaan ang lahat na magsalita, at gamitin ang social media para sa kanilang mga opinyon. Dahil lahat umano ay naging kritiko na, sinabi ng batikang writer na nagkaroon na siya ng paranoia.

“Una kong gagawin ay iche-check ko after manood ng mga tao, halimbawa sa Netflix or sa television, sa YouTube, ginagala ko siya e, kasi tinitingnan ko kung ano ang reaksyon ng mga tao du'n. Importante din 'yun kasi para natututo at the same time, 'pag maganda ang sasabihin, e, di ang saya, parang tapik siya sa sa balikat na 'You did a good job.' Now, 'yung may masabi namang masama, para kang sinasaksak sa dibdib but kailangan lang maging mature ka about it and tingnan 'yung may point ba siya. Baka naman troll lang 'to, 'di ba?”

Bilang isang writer, alam din umano ni Suzette na importante ang maging bukas ang isip sa mga kritisismo, maganda man iyon o hindi, at matuto mula sa mga komentong iyon.

Pakinggan ang buong panayam kay Suzette dito: