
Ngayon pa lamang, may paalala ng ang pharmacist at content creator na si Arshie Larga sa kanyang fellow content creators na mag-eendorso ng mga kandidato sa midterm elections sa susunod na taon.
Sa post ni Arshie sa Instagram Story, pinayuhan niya ang mga ito na mag-research at kilalanin ang mga tatakbo dahil nakataya dito ang ating kinabukasan.
Saad niya, “Sa mga content creators na makakakuha ng inquiry to endorse a certain political candidate. Please do your research first.
“Alamin nyo ang mga plataporma ng mga kandidatong ito. Let's be responsible content creators. Don't do it just for the money. Future natin ang nakataya ditto.”
Pagpapatuloy ng social media star, “Personally, hindi ako magpapabayad para lang i-endorse ang isang kandidato. Kung may makita man kayong post ko about a certain political candidate, it's because naniniwala ako sa kakayahan ng kandidatong ito at sa kanyang plataporma. Yun lang po.”
May ilang internet celebrities na ang nag-file ng kanilang certificate of candidacy para tumakbo sa 2025 elections.
Ang vlogger-entrepreneur na si Rosemarie "Rosmar" Tan-Pamulaklakin lalaban sa first district ng Manila para makakuha ng posisyon sa city council, samantalang ang YouTuber na si Marc Gamboa ng channel na "Models of Manila TV” ay lalaban para makaupo sa senado.
RELATED CONTENT: CELEBRITIES AND SOCIAL MEDIA STARS NA TATAKBO SA ELEKSYON 2025