GMA Logo Marian Rivera
PHOTO COURTESY: marianrivera (Instagram)
What's Hot

Marian Rivera, inilahad ang pinakamahirap na pinagdaanan sa paggawa ng 'Balota'

By Dianne Mariano
Published October 3, 2024 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos swears in newly promoted generals, flag officers of AFP, graduates of Foreign Pre-Commission training Institutions (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ayon kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, priceless ang kanyang naging experience sa pelikulang 'Balota.'

Muling mapapanood si Marian Rivera sa big screen sa pamamagitan ng pelikulang Balota.

Matatandaan na pinangaralan ang Kapuso Primetime Queen bilang Best Actress sa Cinemalaya 2024 para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Teacher Emmy sa naturang pelikula.

Related gallery: Cinemalaya 2024 Best Actress Marian Rivera is full of gratitude

Sa panayam ni Mariz Umali kay Marian sa Unang Hirit, kakaiba sa pakiramdam ng renowned star nang manalo siya bilang best actress sa Cinemalaya 2024.

“Iba 'yung pakiramdam. Sabi ko kasi sa sarili ko, 'Ito yata 'yung pelikulang nagawa ko na talagang out-of-the-box na hindi ko inaakalang magagawa ko talaga siya. Kasi gumagawa naman ako ng mga pelikula pero ito talaga 'yung masasabi kong raw talaga at all.

“Walang makeup, minsan on-the-spot script. Hindi ko alam kung ano 'yung mangyayari. Minsan 'yung ka-throw lines ko, sa script iba 'yung sasabihin kasi si Direk mahilig sa surprises. So it's up to you kung paano ka magre-react, paano mo ide-deliver. So nagkaroon ako ng free will kay Teacher Emmy kung paano ko siya gagampanan,” kwento niya.

Ikinuwento rin ng award-winning actress ang pinakamahirap na kanyang pinagdaanan sa paggawa ng Balota. Ayon sa actress-host, ito ay paghawak niya sa balota.

Aniya, “Kasi noong una, mock up lang muna 'yung dala ko. So nag-decide ako na, 'Direk, gamitin ko na lang 'yung totoong balota.' So ang dami kong eksena, hindi ko namamalayan na ang dami ko na pa lang pasa. Ang dami ko ng sugat.

“Sabi ko, 'Okay lang 'yan. 'Yang mga mark na 'yan, mga sugat, mga pasa na 'yan, gagaling lahat 'yan.' Pero 'yung experience kung paano ko dineliver 'yung sitwasyon at 'yung emosyon ni Teacher Emmy, para sa akin 'yun ang pinakagusto ko at priceless sa akin, na binigay ko 'yung the best talaga.”

Labis din ang tuwa ni Marian ngayong mapapanood na ang Balota sa cinemas nationwide.

“Noong araw na sinabi nila ito sa akin, sobrang kinikilabutan ako kasi ang dami kong mga kaibigan o mga kakilalang nag-message sa akin na nalulungkot sila kasi sa Cinemalaya very limited lang kasi 'yung mga slot. And then sinabi sa akin ng GMA, 'may good news ako sa'yo.'

“So nung ilalabas na siya nationwide, na marami na ang pwedeng makapanood kay Teacher Emmy, very happy talaga ako at sana panoorin talaga nila,” saad niya.

Mapapanood ang Balota sa cinemas nationwide ngayong October 16.