GMA Logo Jackie Gonzaga
photo by: Jackie Gonzaga TikTok, jackiegirlg IG
What's Hot

Jackie Gonzaga, umalma sa balitang buntis siya at si Ion Perez ang ama

By Kristine Kang
Published October 6, 2024 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Jackie Gonzaga sa tsismis na buntis: 'Kadiri mga issue n'yo. Kadiri mga tao [na] naniniwala sa fake news!'

Tila naloka ang It's Showtime host na si Jackie Gonzaga sa mga usap-usapan na kumakalat online tungkol sa balitang siya raw ay buntis at ang kanyang co-host na si Ion Perez daw ang tatay.

Sa kanyang TikTok livestream, nagulat ang "Ate Girl" sa mga tanong ng netizens na nais malaman ang katotohanan tungkol sa mga tsismis ng kanya raw pagbubuntis.

"Ano'ng isyu?" takang tanong ni Jackie.

Nang malaman niya ang konteksto ng kanilang umano'y isyu, natawa na lang si Jackie sabay bahagi nito sa kanyang mga kasama. Natawa na lang din ang kanyang mga kaibigan sa mga usap-usapan online.

"Si Kuya Ion? Ano'ng truth?! Kung ano-ano pinagi-isyu n'yo," sabi ni Jackie.

Dagdag pa niya, "Adik ba kayo? Tigilan n'yo bisyo n'yo, ah. At saka 'yung mga trolls din naman, ano-ano pinag... for the views kasi. Siguro kumikita sila doon so, wala doon sila kikita. Ganoon talaga, grind nila iyon. Issue nila iyon. Bahala sila doon."

Sa huli, nagbigay na lang ng kanyang opinyon si Jackie sa mga taong naniniwala, "Kadiri mga issue n'yo. Kadiri mga tao naniniwala sa fake news!".Binalaan niya rin ang mga tao na huwag makialam sa mga usap-usapan na basta-basta lang at huwag na magpakalat ng fake news sa social media.

@viceionperez25 "Kung ano-anong pinag-iiissue niyo, kami raw ni ion. Adik ba kayo? Tigilan niyo 'yung bisyo niyo ha." -Jackie nak naman HAHAHAHAHAHAHAH tawang tawa ako! Ayan kasi, maiissue. What more pa kung si vice 'to? Baka namura na kayo guys 😭 #fyp #Trending #ViceGanda #Ionperez #JackieGonzaga ♬ original sound - Viceion25 - Jane Perez


Matatandaang may fans ang nagpapares kina Ion at Jackie dahil sa kanilang chemistry at kulitan kapag magkasama. Ngunit malinaw nilang ipinapakita na sila ay magkaibigan lamang at masaya sila sa kani-kanilang buhay. Si Ion ay masaya sa kanyang relasyon sa kanyang asawa na si Vice Ganda. Samantala, nasa healing process naman daw si Jackie matapos ang kanyang hiwalayan sa dating relasyon.

Parehas silang patuloy nagbibigay saya sa noontime program na It's Showtime kasama ang iba pang host katulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne Curtis, Kim Chiu, Ryan Bang, at marami pang iba.

Samantala, kilalanin pa si Jackie Gonzaga sa gallery na ito: