
Muling mapapanood ang classic reality show ng GMA Public Affairs na Extra Challenge via online.
Available ang full episodes nito sa YouTube channel ng GMA Public Affairs, gayundin ang highlight clips nito sa GMANetwork.com bilang parte ng Kapuso Rewind.
Sumikat ang Extra Challenge noong early 2000s dahil sa mga exciting nitong challenge kung saan nasubukan ang lakas ng loob at tapang ng mga kalahok nito na karaniwang mga celebrity.
Nagsimula itong umere noong 1999 sa titulong Extra Extra. Sina Karen Davila at Paolo Ballesteros ang nagsilbing original hosts nito. PInalitan ng dating beauty queen na si Miriam Quiambao si Karen noong 2000 nang lumipat ang broadcaster sa kabilang istasyon.
Noong 2003, nag-rebrand ang programa at pinalitan ng pamagat na Extra Challenge, kung saan nakasama nina Paolo at Miriam si Ethel Booba bilang co-host.
Noong 2006, muling nag-reformat ang programa at pinangalanang Extra Challenge Milyonaryo.
Nagbalik ito noong 2012 at nakilala sa titulong Extra Challenge Extreme kung saan nagsilbing hosts sina Marian Rivera at Richard Gutierrez, kasama si Boobay.
Ipinalabas ang huling episode ng programa noong January 20, 2013.