GMA Logo ashley sarmiento and marco masa
Sources: ashleysarmiento__/IG, itsmemarcomasa/IG
What's Hot

Ashley Sarmiento, Marco Masa, maagang nadiskubre ang hilig sa pagtanghal

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2024 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

ashley sarmiento and marco masa


Bata pa lamang ay hilig na raw nina Ashley Sarmiento at Marco Masa ang pagpe-perform, na naging daan para makapasok sila sa showbiz.

Isa sa pinakahinahangaan ngayong love teams ang tambalan ng young Kapuso stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa. Hindi man inaasahan ng dalawang young actors na mangyayari ito sa kanilang showbiz career, pero sigurado sila na noong bata pa lang ay gusto na nilang magtanghal.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, binalikan nina Ashley at Marco kung papaano sila unang nagkatrabaho sa isang kiddie gag show noon. Ayon sa young actor, nagkikita na rin sila sa mga audition para sa commercial kaya naman close na sila.

Pag-alala pa ni Ashley, ikinuwento umano ng ina ni Marco na minsan na nilang nakasabay ang young aktres pagkatapos ng isang commercial audition dahil may sakit siya.

“Yeah, oo, tama, tama. 'Yun ata 'yung first kumbaga bonding natin pero nakalimutan ko na rin 'yun, kuwento lang po ng parents ko po,” dagdag ni Marco.

GAANO NGA BA KAKILALA NINA ASHLEY AT MARCO ANG ISA'T ISA?

Samantala, hindi maalala ni Ashley kung nagsabi ba siya noon sa kaniyang mga magulang nagusto niyang pumasok sa showbiz. Ang sabi lang daw ng kanyang ina ay noon pa man ay mahilig na siyang mag-video ng sarili habang umaarte.

"Sabi po ni mommy, simula po bata ako, sobrang bibo kid ko na daw po na gustong-gusto ko nagvi-video ako sa camera, sa tablet, sa laptop, ganiyan, tapos umaakting ako sa harap ng salamin, nahuhuli nila ako, ganiyan. Tapos ayun, pinapakanta po nila ako, pinapasayaw,” pagbabahagi ng MAKA actress.

BALIKAN ANG IBA PANG KAPUSO CELEBRITIES NA DATING CHILD STARS SA GALLERY NA ITO:

Itinuring naman ni Marco na playground ang set nila noon sa kiddie gag show, at sinabing walang namilit sa kaniya mag-artista. Aniya, gaya ng kaniyang ka-love team ngayon, sobrang bibo rin niya noong bata.

“Actually, may computer shop po kami dati, du'n po ako na-discover kasi marami pong nagco-computer. 'Tapos, lagi ko silang kinukulit, parang nagpe-perform-perform ako du'n. Until 'yun nga po, may isang [empleyado ng] agency na nag-computer po sa amin pinag-try po ako mag-audition,” pag-alala niya.

Nabanggit din ng MAKA actor na very game siya noon magtanghal sa harap ng mga tao tuwing may pagtitipon o pagdiriwang ang pamilya nila.

Pakinggan ang buong panayam kina Ashley at Marco dito: