GMA Logo Thai series Love At First Night
What's Hot

'Love At First Night,' mapapanood na mamaya!

By Aimee Anoc
Published October 14, 2024 11:15 AM PHT
Updated October 21, 2024 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Thai series Love At First Night


Abangan ang kakaibang love story nina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat bilang Apple at Ronan sa 'Love At First Night' mamayang 5:10 p.m. sa GMA.

Mapapanood na tuwing hapon sa GMA ang kilig Thai series na Love At First Night.

Pagbibidahan ang romcom series na ito ng Thai superstars na sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat bilang Apple at Ronan. Makakasama rin nila rito ang aktor na si Willie Ruengrit McIntosh bilang Rudy.

Tampok sa Love At First Night ang hindi inaasahang pagtatagpo nina Ronan at Apple na nauwi sa isang romantic night. Sa kabila ng maikling panahon ng pagkakakilala, hindi napigilang ma-fall ni Ronan para kay Apple.

Pero, paano kung madiskubre ni Ronan na ang babaeng nagustuhan niya ay fiancee na pala ng kanyang ama?

Subaybayan ang Love At First Night, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI YAYA URASSAYA SPERBUND SA GALLERY NA ITO: