
Proud Status by Sparkle artist na ang content creator na si Pau Palaez, na mas kilala bilang Chikana.
Si Chikana ay nakilala sa online beauty community. Siya ay ang go-to ng netizens na mahilig sa beauty and makeup related content.
PHOTO SOURCE: @paupelaez_ / @sparklegmaartistcenter
Isa si Chikana sa mga ipinakilala ng Sparkle na content creators sa kanilang digital arm na Status by Sparkle noong October 10.
Sa Instagram post ni Chikana ay inihayag niya ang pagpapasalamat sa kaniyang journey bilang content creator. Saad ni Chikana, "Officially a SPARKLE Artist!"
Nagpasalamat din ang Status by Sparkle talent sa lahat ng mga sumuporta sa videos na ginagawa niya online.
"I want to say thank you to everyone who supported me since pandemic days. hindi ko inexpect yung pagiging assumera, kaartehan at kaingayan ko ay mapupunta ako dito. 2021 me would be super proud! I have still a long way to go pero ang layo ko na pala."
Dugtong pa ni Chikana,
"Thank you, God.
Thank you, Universe.
Thank you, mama & papa
Thank you, ate
Thank you, @sparklegmaartistcenter @sparklegmaworks
Thank you, everyone."
Ayon kay Chikana, ipagpapatuloy niya ang paggawa ng mga content at pagiging inspirasyon sa mga sumusubaybay sa kaniyang journey bilang content creator.
"I'll continue to entertain you guys even more, I'll continue to inspire everyone and I'll continue to make you guys happier."
KILALANIN ANG MGA CONTENT CREATORS NG STATUS BY SPARKLE: